Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae habang ito ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit nila nasabing salat sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti ang babae at umiling ito.
Deslizar: 2
Noong unang panahon, sa isang bayan sa Luzon, merong puno na ang bunga na prutas ay nakakalason, dahil doon ay ang mga mamamayan ay hindi lumalapit o kainin ang ang nasa punong iyon.
Deslizar: 3
Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok sa mga pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain. Ngunit walang maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang lumapit sa magandang babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang pagkain.
Deslizar: 4
Lumapit ang babae sa mga puno ng nakakalason na prutas at pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man napigilan ng bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang bata sapagkat walang nangyari sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman din ang bunga.
Deslizar: 5
Masarap at manamis-namis ang prutas. Sila'y bumalik na sa bayan at sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang mga kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong bayan. Noong una ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din nila ito at napag-alaman ngang matamis ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae upang pasalamatan ngunit wala na ito.
Deslizar: 6
Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga sa puno sa gubat. Simula ang dating "lason" ay naging "lansones".