Si Mathilde ay may taglay na kagandahan subalit siya'y ipinanganak na mahirap at ang kaniyang napangasawa ay isang manunulat na maliit lamang ang kita. Kaya't nang minsan silang maimbitahan sa sayawan ay hindi siya nasiyahan.
Deslizar: 2
Upang siya'y mapapayag ay binilhan siya ni G. Loisel ng magarbong bestida at nagtungo siya kay Madam Forestier upang manghiram ng isang kwintas pagkat nais niyang mangibabaw sa okasyon.
Deslizar: 3
Nang dumating ang okasyon ay nangibabaw ang kagandahan ni Mathilde ngunit sa hindi inaasahan ay nawala niya ang kwintas na nahiram. Hindi na nila ito mahanap kaya't naisipan nilang palitan na lang ng kapareho ang mamahaling alahas.
Deslizar: 4
Nakahanap sila ng kapareho ngunit sa sobrang mahal nito'y kung kani kanino sila nanghiram hanggang sila'y mas maghirap na naging sanhi ng pagkawala ng kagandang taglay ni Mathilde.
Deslizar: 5
Isang araw, nakita ni Mathilde si Madam Forestier na may kasamang batang babae kaya't agad itong nagpakilala. Nagtaka si Madam Forestier kaya't doon nag umpisang maghayag ng kwento si Mathilde.
Deslizar: 6
"O, kahabag habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kwintas sa'yo ay imitasyon lamang, ang halaga noon ay limaang daang prangko lamang."
Labis ang gulat ni Madam Forestier sa kwentong inihayag ni Mathilde. Nahabag ito pagkat ang kaniya palang pinahiram na kwintas ay isang imitasyon lamang.