Szukaj
  • Szukaj
  • Moje Scenorysy

Ang Alamat ng Mahogany

Utwórz Storyboard
Skopiuj tę scenorys
Ang Alamat ng Mahogany
Storyboard That

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Tekst Storyboardowy

  • Isang araw, mayroong mag-asawa na mahirap lamang at hindi nila kayang magkaroon ng mga anak. Sila ay nalungkot dahil wala silang magawa para sa kanilang bayan at sa kanilang mga sarili. Nung halos wala nang mga puno sa Pilak Bayan, mayroon silang nakitang puno ngunit maliit pa iyon. Kaya mula sa araw na iyon, inaalagaan na nila ang punong iyon— ang Mahogany Tree.
  • Araw-araw na nila itong inaalagaan at ito ay lumaki nang maayos. Pinaniniwalaan nilang binibigyan sila ng punong ito ng swerte dahil pagkalipas ng mga ilang araw, nagkaroon si Ginoong Jared ng maayos na trabaho at sila ay nagsisimula nang maging masaya sa kanilang buhay.
  • Nagkaroon narin sila ng tahanan sa Pilak Hills. Nakakakain na rin sila ng tatlong beses o higit pa sa isang araw at natututugan na ang kanilang mga pangangailangan. Sila ay nakakatulong na rin sa mga taong nangangailangan.
  • Nung nag-uusap sila Ginoong Jared at Ginang Rose tungkol sa puno at sa mga nagawa nito para sa kanila, may nakarinig nito at kinwento niya ito sa kaniyang boss. Ang kaniyang boss ay isang magandang babae at halos lahat ay nasa kaniya na. Ngunit, siya ay madalas naiinggit at siya ay kadalasang nagagalit pag wala siya kung ano ang meron ang iba.
  • Sinubukan niyang ipakuha ang Mahogany Tree sa kaniyang mga kasama ngunit pinigilan sila nila Ginoong Jared at Ginang Rose. Ang boss ay nagalit at tinulak ang mag-asawa. “Noon ko pang hinahanap ang ispesyal na punong ito. Halos makalbo na ang Pilak Bayan sa kakahanap ko. Tapos mahahanap lang ng dalawang matanda?” sabi ng boss habang puputulin na ng mga kasamahan niya ang Mahogany Tree sa Pilak Hills.
  • Bago pa nila maputol ang puno, mayroong lumabas na diwatang nanggaling sa Mahogany Tree. Tinitigan niya ang mga tao sa paligid niya tapos nginitian niya sila Ginoong Jared at Ginang Rose. Pinarusahan ng diwata at mga tao na may mga masamang intensyon sa puno at binigyan niya ng gatimpala ang mga taong nag-alaga sa puno.
  • Ang Alamat ng Mahogany
Utworzono ponad 30 milionów scenorysów