Szukaj
  • Szukaj
  • Moje Scenorysy

PAMANA

Utwórz Storyboard
Skopiuj tę scenorys
PAMANA
Storyboard That

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Tekst Storyboardowy

  • Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay na bumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya sa oras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya.
  • isang hapon noon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamang yari sa kawayan.
  • Sana nga anak, harinawa nga.
  • Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ng tiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay.
  • Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong angpanganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mgapaa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabayhablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
  • Huwag kayong lalabas, ako ang bahala
  • Narinig niya ang mga kasa ng baril habang hinuhugot ng kanyang kuya Lito angmatalim na tabak. Umalingawngaw ang nakatutulig na mga putok, at sinundan ng iba pa.
  • Mula sa butas ng uwang ay nakita niya ang papalapit na sandatahangkalalakihan at narinig niyang sabi...
  • "Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
  • Sa bawat pagpitlag ng katawang naghihingalo ay siya namang pagpatak ngluhang pumapaimbabaw sa kanyang mga mata. May kung anong damdaming nag-uumalpas sa kanyang dibdib subalit hindi maipaliwanag ng kanyang sarili. Hindi niyamaintindihan. Ang alam niya ay may apoy na naglalatang sa kanyang isipan.
  • "Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
  • Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan angbangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silang nasa ibaba ay dumaraing. Naputol ang kanyang pag-alala sa nakaraan ng sapitin niya ang kanilang tahanan at makaulinig ng pabugsu-bugsong pag-ubo bago pumasok ng kanilang kubo.
  • Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao ay nabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkat ito ay may kinabukasan, a pagbubukang liwayway, magiging maliwanag angkapaligiran.
  • Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ngiyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ngtadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay angnatitirang kapirasong lupang ito.
  • Kinabukasan ay di maalis ang pagkakapako ng kanyang paningin sa gilid ngkanilang kubo na kinaroroonan ng lumang araro. Ang nasasaisip niya'ydarating din ang panahong siya ay lalaki at gagamitin ang ararong yaon. Sasapit din ang panahong siya'y magiging isang ama.
  • Pumailanlang sa kanyang balintataw angmga katagang ibinulong sa kanya ng ama hanggang sa huling sandali."Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig at  nagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta at kung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa..." THE END...
Utworzono ponad 30 milionów scenorysów