Szukaj
  • Szukaj
  • Moje Scenorysy

FILIPINO 10 Q1 W4: PERFORMANCE TASK

Utwórz Storyboard
Skopiuj tę scenorys
FILIPINO 10 Q1 W4: PERFORMANCE TASK
Storyboard That

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Tekst Storyboardowy

  • Makalipas ang ilang taon ay magkikitang muli ang dating matalik na magkaibigan. Mapapansin sa kabuan ni Mathide ang matinding pagod at hirap dahil sa lagay ng katawan at makikilala naman siya ni Madam Forestier na naglalakad lamang sa plaza.
  • Hindi muna mapapansin ni Matilde si Madam Forestier na papalapit dahil nakapingit ang kanyang mga mata at tila nagpapahinga sa tabi.
  • Kahabag-habag ang hitsura ni Mathilde ngayon! Malayo sa kilala ng mga taong magara kung manamit. Ano nga bang nangyari sa kanya?
  • Naku! Nakuha mo pa talagang bolahin ako Matilde! Heto at ayos lang naman ako. Ikaw naman? Kamusta ka na? Balita ko'y naghirap na raw kayo?
  • Oh? Ikaw pala iyan Madam Forestier! Tila lalo ka pang gumanda ah? Kamusta ka na pala?
  • Ah narinig mo na pala ang balita. Oo Madam, naghirap na po kami dahil sa sobrang daming utang na kailangan naming bayaran kapalit ng pagbabalik ng kuwintas mo noon.
  • Kuwintas? Wala akong maalalang ipinahiram ko ang kuwintas ko sayo o kahit kanino. Sigurao ka bang ako iyon?
  • Opo Madam, sigurado po akong ikaw yun. Iisa ang istilo ng pananamit, ng mukha, kaya paanong ibang tao naman ang mahihiraman ko? At tsaka di pa po ako ulyanin kahit sa tanda kong ito ah!
  • Nalintikan na. Baka naman ang kambal ko ang hiniraman mo?
  • Lingid iyon sa kaalaman ng karamihan kaya pasensya ka na kung nalito ka sa aming dalawa.
  • May kakambal kayo?!
  • Kaya pala ang ganda ng ngiti niya noong mga panahong iyon dahil nakauto na naman siya! Panigurado ay nadala ka sa mga pag-iinarte niya. Hayaan mo at pagagalitan ko iyon.
  • Hayaan mo at sisiguraduhin kong ibalik niya sa iyo ang bagay na ibinigay niyo sa kanya. 'Wag kang mag-alala, akong bahala.
  • Nakakaawang tignan ang aking sarili! Naghirap kami ng ilang taon nang dahil lang sa simpleng pang-uuto niya!
Utworzono ponad 30 milionów scenorysów