Isang araw ay dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales at ipinatutubos ito ng 500 piso. Halos nabaliw sa kakaisip ng paraan si Tata Selo at Juli para matubos ito.
Nagdasal ng nagdasal si Juli ngunit nawawalan na siya ng pag-asa kaya't kinailangan niya nang kumilos.
Napagpasiyahang ibenta ni Juli ang hiyas na bigay ng kasintahan niyang si Basilio. Namasukan din siya bilang katulong kay Hermana Penchang upang matubos ang kanyang ama.Juli: Malalaman din niyang pinili ko pang ako ang masanla kaysa ang agnos na bigay niya sa akin.