Szukaj
  • Szukaj
  • Moje Scenorysy

Akasya o Kalabasa

Utwórz Storyboard
Skopiuj tę scenorys
Akasya o Kalabasa
Storyboard That

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Tekst Storyboardowy

  • Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan.Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy.
  • 
  •  .....
  • Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag- aaralain sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad.
  • Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy.
  • Halika at makikipag-usap muna ako sa punong- guro. Magandang umaga po sa kanila, panabay na bating galang ng mag-ama.
  • Magandang umaga po, Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?
  • E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.
  • Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso.
  • A, opo. Sa ano po namang baitang?
  • Ngunit ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli- ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siyay makatapos agad, maaari po ba?
  • Kung gayon po'y sa unang taon ng haiskul, ano po?
Utworzono ponad 30 milionów scenorysów