Szukaj
  • Szukaj
  • Moje Scenorysy

Unknown Story

Utwórz Storyboard
Skopiuj tę scenorys
Unknown Story
Storyboard That

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Tekst Storyboardowy

  • Uy Marish, kumusta klase mo? kakatapos lang ng talakayan namin tungkol sa ibat-ibang trabaho na maaaring pasukin balang araw.
  • Hi Patricia! kami din diyan nagtapos sa araling iyan. Habang itinuturo nga sa amin ni Ms yan ay natutuwa ako. Ikaw ba may naisip ka na kung ano ang gusto mong trabaho?
  • Balang araw nais kong makapagtapos ng pag aaral kahit na hirap kami sa buhay ngayon gagawa ako ng paraan at diskarte upang makatulong sa aking magulang. Marami pa tayong kakainin na bigas upang makarating sa tagumpay.
  • Tama, iniisip ko kapag malaki na tayo babalikan natin ang usaping ito. Pero sa ngayon hindi pa kasi ako sigurado kung ano nga ba ang para sa akin. Nalilito ako kung ano ang pipiliin ko maging doktor ba o guro.
  • Para sa akin magiging praktikal lamang ako maghahanap ako ng iskolarship upang makabawas sa gastusin dahil marami pa kaming magkakapatid na nag aaral nais ko sanang maging doktor din upang makatulong sa mga may sakit. Pero napakamahal at hindi namin kaya.
  • Hindi masamang mangarap ng mataas kaya dapat ipagpatuloy lang natin ang nasimulan natin ngayon makakamit din natin ito ng sabay.
  • Makakapagtapos tayo ng kolehiyo at tayo naman ang tutulong sa ating pamilya upang masuklian natin ang kanilang mga sakripsiyo. Kung kaya ko din ay ipagsasabay ko ang pagiging working student.
  • Oo dahil hindi biro ang ating pinapangarap na trabaho laban lang tayo mag bubunga din ito hindi pa sa ngayon pero balang araw tayo naman ang magiging proud sa ating sarili.
  • Oh siya sige na Marish kailangan ko ng pumasok sa susunod kong klase. Salamat sa oras galingan nating pareho ah? Paalam!
  • Oo nga napasarap ang ating kwentuhan mayroon na din pala akong klase ngayon hanggang sa muli Patricia walang anuman.
  • Padayon para sa Pangarap(Formal operational)Si Patricia ay isang estudyante at tinanong siya ng kanyang kaibigan na si Marish patungkol sa kanilang aralin kung saan tinalakay din nila ang ibat-ibang kurso at mga posibilidad na kanilang magiging trabaho. Tinanong si Patricia at sinagot niya naman ito base sa kanyang perspektibo sa buhay. Maganda ang kanyang naisip sapagkat nagkaroon siya ng malawak na kaisipan upang pumili ng kanyang nais na trabho balang araw. Binanggit niya ang pagiging praktikal sa kaniyang buhay mas nanaig ang kanyang abilidad na mas makatulong sa pamilya upang hindi siya maging pabigat. Naghanap siya na pwedeng pagkakakitaan sa edad niyang na 18 ay mayroon na siyang konkretong plano sa buhay balang araw. Ang kanyang naging rason matapos tanungin ng kanyang kaibigan ay halimbawa ng isang formal operational stage mula kay Jean Piaget. Si Patricia ay hindi lamang pansarili ang iniisip maging sa kanyang kaibigan ay nais niya din itong maging matagumpay.
Utworzono ponad 30 milionów scenorysów