Maganda na ang daigdig ngunit wala pa ring buhay ito
Malungkot si Bathala sa Kanyang pag-iisa kaya nilikha Niya ang liwanag.Pagkatapos, nilikha Niya ang langit at lupa. Ngunit hindi pa rin nasiyahan si Bathala kaya nilikha naman Niya ang araw, buwan at mga bituin. Pagkatapos nilikha Niya ang ilog, sapa, talon at dagat.
Gagawa ako ng tao. Gagawin ko siyang kamukha ko.
Dumakot si Bathala ng malaking tipak na lupa. Minasa Niya ito at saka nililok. Pagkatapos, inilagay niya ito sa pugon upang lutuin.
Nag-antay Siya ng ilang sandali. Dahil sa kasabikang makita kaagad ang taong Kanyang ginawa, kinuha agad Niya ito sa pugon.
Ay! Maputla ang kulay! Hilaw pa ang pagkakaluto. Malaki siguro ang tipak ng nililok kong lupa kaya hindi agad naluto,
binantayan ni Bathala ang pagluluto sa pugon. Dahil sa kakapaguran, nakatulog si Bathala. Nagising lamang siya dahil sa amoy ng nasusunog na putik. Madali niyang hinango ito sa loob ng pugon.
Naku, nasunog! Lubhang nangitim ito dahil sa pagkasunog
Muling dumakot ng lupa si Bathala. Maliit ito kaysa sa una niyang ginawa. Muli Niyang nililok at pagkatapos ay inilagay Niya ito sa pugon.
Kayganda! Tamang-tama ang sukat at anyo. Tamang-tama rin ang pagkakaluto nito