Kabanata 21: Kuwento ng Isang InaMula sa kinatatayuan ay natanaw ni Sisa ang dalawang sundalo na palabas sa kanilang tahanan. Hindi nila bitbit si Basilio, tanging inahing manok lamang ang kanilang nakuha. Tinanong si Sisa kung nasaan ang kanyang mga anak pati ang pera na ninanak ng mga ito. Sinabi niya na hindi pa niya nakikita ang kanyang mga anak, kasabay ng pagtatanggol na hindi sila mga magnanakaw. Nang makarating siya sa kwartel ng mga sundalo, siya ay paulit-ulit na tinanong. Muli, pinasinungalingan niya lahat ng mga paratang sa kanila. Dahil dito, hindi naglaon ay nagdesisyon ang mga kura na pauwiin siya. Sa kanyang pag-uwi ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio na mayroong bahid ng dugo. Siya ay labis na nabahala dahil ang lugar na iyon ay malapit sa bangin. Dahil sa mga pangyayaring ito ay tuluyan nang tinakasan ng bait si Sisa at siya ay namuhay bilang isang palaboy.
Kabanata 17 Si BasilioNakarating si Basilio sa kanilang tahanan ngunit may sugat ito sa noo. Ginagamot ito ng ina nang magsalaysay ang anak. Sinabi niyang daplis lang iyon ng bala ng guwardiya sibil. Tumakas lang siya sa kumbento upang ibalita sa ina ang bintang kay Crispin na pagnanakaw. Nalaman din ni Basilio na umuwi ang kanyang sakim at batugang ama. Dahil sa galit, nasabi niyang sana ay mawala na lamang sa landas nila ang kanilang ama upang maging mapayapa ang kanilang buhay na ikinalungkot ni Sisa. Nakatulog si Basilio at naalimpungatan nang mapanaginipan niya ang kaniyang kapatid na nanghihingi ng tulong.