Lagi naman akong pumapasok sa trabaho, paminsan minsan ay nag oovertime pa ako ngunit bakit ganito parin kababa ang aking nakukuhang sweldo?!
Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi ko na alam (T-T)
Oo (T-T)
Kamusta ka na Robert? Narinig kong umiiyak ka dahil sa maliit na pasahod ng kompanya kahit ginagawa mo naman ang lahat, Tama ba?
Ano?
May naisip akong solusyon dyaan sa iyong problema.
Ako at ang iba pang empleyado ay bumuo ng unyon
Huh?! Ngayon ko lang iyan narinig. Ano ang Unyon at ano ang maitutulong nito sa aking problema
Ang unyon ay isang samahan, o pangkat ng mga manggagawa na naglalayong protektahan at isulong ang interes nating mga manggagawa.
Makakatulong ito sa iyo upang mabilis mong makamit ang iyong mga mithiin at mapapalakas ang boses ng sa gayon ay marinig ng iyong kompanya ang iyong mga nais sabihin at mga hinanaing.
Maaari ba akong sumali sa inyong unyon?
WOW!
Aba syempre naman! Iyon ay ginawa para sa lahat ng mga manggagawang inaabuso ang kanilang karapatan.
Halika na't sundan mo ako at ipapakilala kita sa iba nating mga kasama