Sa lambak ng Nalbuan ay may mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan. Nilusob ni Don Juan ang mga igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. habang wala siya, isinilang si Lam-ang. Ang sanggol ay nakapagsasalita na at siya rin ang pumili ng kanyang mga ninong at ninang.
Lysbilde: 2
Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.
Lysbilde: 3
Pumunta siya sa lupain ng mga Igorot at pinaslang silang lahat. Pagkatapos ng labanan, umuwi siya sa Nalbuan at naligo sa ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu.
Lysbilde: 4
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.
Lysbilde: 5
Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Sa kasamaang palad, siya ay kinain ng isdang Berkahan.
Lysbilde: 6
Ipinasisid ni Ines ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso. Maya-maya ay kumilos ang mga buto at nabuhay si Lam-ang