Lumipas ang ilang linggo ay tumungo si Mathilde sa Champs Elysees.At sa linggong ito ay dito niya muli nakilala ang babaeng si Forestier na matalik niyang kaibigan dati at ang may ari ng kwintas.
Binati niya ito nang may kasamang ngiti sa labi nito.Nagtaka si Forestier dahil hindi niya ito nakikilala.Nanibago ang mukha ni Mathilde at tila'y nagulat sa pinakita nitong reaksyon.
Nagsabi si Forestier kay Mathilde na hindi niya ito kilala,kaya naman ay nalungkot si Mathilde.At napilitang ipakilala ang sarili,na dahil dito naalala na siya ni Forestier.
Tinanong ni Mathilde kung naisauli ba ng kanyang asawa ang kwintas na hiniram.Dito sinabi ni Forestier na peke ang kwintas na ipinahiram niya.Nagulat si Mathulde dahil sa sobrang paghihirap na pinagdaanan nila para lamang mapalitan ang nawalang kwintas ng kaibigan.
Humingi ng tawad si Forestier kay Mathilde dahil sa nangyari at siya rin ang dahilan ng lahat na paghihirap ng mag-asawa ng ilang taon.Tinanggap naman ni Mathilde ang nangyari at magsisimulang muli.
Sa mahabang panahon na pagtitiis ng mag-asaqa sa kahirapan at kalungkutan ay sila'y nagsimula ulit at nagsikap na mabawi ang lahat ng mga nawala sa kanila.Nagkaayos na ang lahat at naging malapit na magkaibigan sina Forestier at Mathilde.Sa mga pinagdaanang pagsubok ng mag-asawa na kanilang nalampasan at pinaghirapan ay nasuklian ng kaginhawaan sa kanilang buhay.Sila ay naging masaya at umunlad sa kanilang pagsisikap sa buhay na inaasam.