Søk
  • Søk
  • Mine Storyboards

Unknown Story

Lag et Storyboard
Kopier dette storyboardet
Unknown Story
Storyboard That

Lag ditt eget Storyboard

Prøv det gratis!

Lag ditt eget Storyboard

Prøv det gratis!

Storyboard Tekst

  • Dito kita papakasalan.
  • Pangako!
  • Talaga? Pangako?
  • Hindi ako aalis sa bansang ito para lamang tuparin ang pangarap ninyo para sa akin! Paano naman ang pangarap ko? Hindi man lang ninyo tinanong kung anong gusto ko!
  • At anong mangyayari kung hahayaan ka namin sa gusto mo? Tandaan mo ikaw ang magmamana ng ating negosyo. Huwag kang magpakabaliw diyan sa kasintahan mong mahirap.
  • Tama ang iyong ama. Aalis ka sa bansang ito sa ayaw at sa gusto mo. Maaari ka namang makahanap ng babae na mayaman o mas mayaman pa sa atin doon.
  • Bakit ka nandito?! Sino may sabi na maaari kang tumapak sa pamamahay ko? Hindi ka nababagay dito!
  • Huwag kang magsinungaling. Hindi sa kaniya ang bata. Umalis ka na dito at huwag mong asahan na babalikan ka pa niya.
  • Iniwan ka na niya at nagtungo sa ibang bansa. Napagtanto niya na isa ka lamang hamak na babaeng mahirap na hihila sa kanya pababa at magdudulot ng maraming problema.
  • Magandang araw po nasaan po ang inyong anak?
  • Hindi maaari! Nangako siya sa akin at magkakaroon na kami ng anak. Parang awa niyo na, gusto ko lamang siya makausap.
  • Patawarin mo ako. Sising-sisi na ako sa pag-iwan ko sayo noon. Wala akong kaalam-alam tungkol sa anak natin. Pakiusap pakinggan mo ang totoong nangyari.
  • Ang biglaan kong alis ay dulot ng pagpilit sa akin ng aking mga magulang. Pasensya na at wala akong nagawa noon ngunit sisiguraduhin kong hindi na muli iyon mangyayari.
  • Pasensya na dahil hindi ko iyon naisip at nabulag na ako sa galit ko sa pamilya mo. Pinapatawad na kita at sana huwag mong sasayangin ang ibinigay kong pagkakataon para sa iyo.
  • Babalik-balik ka dito na parang hindi mo kami basta iniwan at tinalikuran noon. Ang kapal-kapal ng mukha mo! Umalis ka na dito at huwag mo na kaming guluhin.
  • Oo naman! Napatawad nga kita at alam kong kaya mo ring gawin iyon lalo pa't magulang mo sila. Ang Diyos nga ay nagpapatawad ikaw pa kaya na kanyang anak?
  • Bakit hindi imbitado ang mga magulang mo sa ating kasal? Hindi mo pa rin ba sila napapatawad hanggang ngayon? Mukha namang sila'y nagsisisi na sa kanilang nagawa noon.
  • Dapat ko pa rin ba silang patawarin? Ilang beses ba dapat ako magpatawad? Simula noong ako'y bata pa lamang ay madaming beses ko na silang nabigyan ng pagkakataon ngunit inuulit pa rin nila iyon.
  • Siguro nga'y tama ka. Ito na ang tamang panahon upang sila'y patawarin ko. Maraming salamat sa pagsasabi sa akin kung ano ang karapat-dapat gawin ng isang tulad ko.
  • Tayo ay nilikha ng Diyos na pantay-pantay, walang mayaman o mahirap. Utos din ng Diyos na dapat nating igalang ang ating ama't ina at hindi dapat pinagtataasan ng boses. At ang huli ay dapat nating patawarin ang ating kapwa gaya ng pagpapatawad sa atin ng Diyos lalo na kung sila ay nagsisisi at humihingi ng kapatawaran.
  • Mapupulot na aral:
Over 30 millioner storyboards opprettet