Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit g kapitan. Malapit ang loo niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho rin silang nag-isa na sa buhay.Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na maisama ito sa mga lupain ng katutubo. Malayo man ito sa sibilisason ay makakapamuhay ng mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya.
Tinanggihannaman ito ng matanda at matim tong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mgaanak sa kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon g katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya.
Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babe at dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga. Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman diumanoy ng nakawan sa kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang anak a lalaki.