Hindi namalayan ng mag-kapatid na nasa likod na ng pinto ang kanilang mga magulang at nakikinig sa usapan. Nagulat siya ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanilang mga magulang na may luha sa mga mata. Dahan-dahang nilapitan ng inang palaka ang humahangos na kapatid at niyakap ito.
"Anak ko, pasensya ka na. Hindi ko alam na yan ang nararamdaman mo. Ang akala namin ng papa mo ay ayaw mo talagang makisali sa amin dahil mas gusto mong mapag-isa. Hindi namin alam na yan na pala ang nakikita mo. Patawad anak. Mahal na mahal kita. Kayo ng kapatid mo. Mahal namin kayo. Wala kaming paborito ng papa mo sa inyo dahil pantay ang pagmamahal namin. Maniwala ka doon anak. Patawarin mo sila mama kung yan ang naipaparamdam namin sayo. Patawad anak ko. Mahal na mahal kita"
Napagtanto ni Asthrielle ang kamaliang ginawa niya at humingi ng kapatawaran sa kanyang kapatid at magulang.
Patawad rin Celestia sa lahat ng mga nasabi ko...
"Patawad po mama at papa sa naging kasalanan ko, nagtanim po ako ng sama ng loob pasensya na po."
Nabuhay silang masaya at payapa dahil sa naliwanagan na sila sa damdamin ng bawat isa.