Si Pedro ay isang OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa. Siya ay masaya ngayon dahil pauwi siya ng Pilipinas makalipas ang ilang taon upang magbakasyon.
Sabik na akong makauwi ng Pilipinas at makapiling ang aking pamilya.
Kumusta na kayo?
Pagdating sa NAIA terminal,masayang sinalubong si Pedro ng kaniyang pamilya na ilang taong niyang hindi nakasama.
Daddy Namiss kita!
Namiss din kita Daddy!
Maligayang Pagdating Daddy. Kanina ka pa gustong makita ng mga anak mo.
Pagdating sa lugar nila, agad pinasyalan ni Pedro ang kaniyang lupain na nakasangla sa banko. Isa ito sa dahilan kaya siya nangibang bansa upang magtrabaho nang sa gayon ay mabayaran niya ang utang nila.
Balang araw Mommy kapag naging atin na muli itong lupain, hindi ko na kinakailangan pang mag-abroad.
Sana nga Daddy Mapasaatin na itong muli.
Hmm.. Sino kaya itong tumatawag
Makalipas ang isang buwan na bakasyon, si Pedro ay pabalik na muli sa ibang bansa upang magtrabaho. Kasalukuyan siyang nagaantay ng flight niyasa boarding gate nang may tumawag sa kaniya.
Ring!Ring!
Ring!Ring!
Hello, magandang umaga po. Si Pedro po ito. Sino po sila?
Magandang umaga po Mr. Pedro.Sa RTC Br. 1 po ito sir. Pinapaalalahanan ko po kayo na meron kayong hearing sa korte na dapat daluhan sa Biyernes ng umaga. Salamat po.
Naku!Problema ito paano kaya ako makakapunta sa nasabing hearing?
POOOOF!
May tumawag po sa akin at pinaalalahanan ako na meron akong dapat daluhan na mahalagang hearing sa korte sa Biyernes ng umaga.
Ang problema ko po, ngayong araw na ito lilipad na ako pabalik sa ibang bansa kung saan ako nagtatrabaho
Magandang umaga Pedro. Ako si Juan Katarungan. Bakit ka natulala at biglang nag- alala?
Alammo ba na ang Korte Suprema ay naglabas ng isang patnubayA.M. No. 20-12-01-SCnoong December 9, 2020 ukol sa pagsasagawa ng videoconferencing hearing.
Pedro, Huwag kang mag-alala. Mayroon solusyon sa iyong suliranin.
Saklaw ng patnubay na ito ang mga kaso kung saan ang partido o saksi sa mga kaso ay kabilang sa sektor ng mga Overseas Filipino Workers o mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa o pansamantalang naninirahan sa labas ng Pilipinas na katulad mo
Ano po ba angvideoconferencing hearing?
Ang videoconferencing hearing ay isang paraan ng paglilitis gamit ang makabagong teknolohiya. Kasama dito ang pagbibigay at pagkuha ng testimonya at pagsumite at pagtukoy ng dokumento na may kinalaman sa kasong nililitis nang hindi kinakailangan ng pisikal na pagpunta sa korte.
Katulad ng isang ordinaryong videocall na ginagamit sa pakikipag-usap, makikita at maririnig ng mga kasama sa videoconferencing hearing ang akusado, testigo, abogado, piskal, ang judge at tauhan ng korte, at iba pang mga taong may kinalaman sa kaso kahit nasaan man ang mga ito gamit ang cellphone, laptop o kompyuter o ano mang electronic gadget na may koneksyon sa internet.
Ayon din sa nasabing patnubay ng SC, yung mga litigants at witnesses na OFW, Pilipino na nakatira sa ibang bansa, or yung mga Pilipino na kasalukuyang nasa ibang bansa, pati na din yung mga foreign nationals na naninirahan sa labas ng bansa, na gustong lumahok, makibahagi and magbigay ng testimonya sa korte sa pamamagitan ng videoconferencing, ay kailangang magpasa ng Motion sa korye kung saan pending ang kanilang kaso.
Tanging sa embassy or consulate ng Pilipinas lamang pwedeng isagawa ang nasabing videoconference.
Dahil sa mga natutunan ko sa iyo, gumaan ang aking pakiramdam at hindi na dapat ako mangamba na hindi ako makakapunta sa Biyernes
Departure
Salamat Juan Katarungan, nabigyang solusyon mo at linaw ang aking suliranin.
Sa pamamagitan ng aking cellphone,laptop o ano mangelectronic gadget ay makakasama na ako sa hearing.
Ang dapat ko palang gawin ngayon ay tumawag ulit sa numero ng korte o mag-email at ipaalam ang aking kasalukuyang sitwasyon
Nang sa gayon ay malaman ko ang mga susunod na hakbang na dapat kong gawin para makadalo sa videoconferencing
POOOOF!
Maraming Salamat muli Juan Katarungan!
Walang anuman Pedro. Bisitahin mo lamang ang website ng Korte Suprema upang malaman ang mga opisyal na contact number at email address ng mga Korte.
Para sa karagdagang impormasyon o kaalaman, bumisita lamang sa website ngKorte Supremahttps://sc.judiciary.gov.ph/
Image Attributions: (https://pixabay.com/en/smartphone-android-os-samsung-153650/) - OpenClipart-Vectors - License: Free for Commercial Use / No Attribution Required (https://creativecommons.org/publicdomain/zero/1.0)5249631 (https://pixabay.com/photos/ryanair-boeing-boeing-737-800-5249631/) - DirkDanielMann - License: Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed (https://pixabay.com/en/backpack-bag-hiking-trip-travel-145841/) - OpenClipart-Vectors - License: Free for Commercial Use / No Attribution Required (https://creativecommons.org/publicdomain/zero/1.0)
5249631 - DirkDanielMann - (Tillatelse Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed
)