May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro.
Lysbilde: 2
Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong sasabihin sa kaniya.
Lysbilde: 3
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya.
Lysbilde: 4
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!”
Hanggang sa isang araw...
“Alam n’yo, ako’y may sandaang damit sabahay.”
“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”
At nagsimula niyang ilarawan ang kanyiang mga damit. Ngunit ang hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ay ang sandaang damit na kanyang tinutukoy ay pawang iginuhit lamang.