Parang awa mo na... baka pwede naming makuha ang kwintas...
Ikinuwento ni Mathilde kay G. Loisel ang napagusapan nila ni Madame Forestier na nagpahina ng lubos dito. Napagpasyahan nila na kausapin si Madame Forestier na baka pwede nilang mabawi ang kuwintas.
Lubos na nagmakaawa ang mag-asawa at hindi naman nagdalawang isip si Madame Forestier na ibigay ang kuwintas.
Sinangla nila ang kuwintas. Mula nang makuha nila ang pera, pinaghatian nila ito at ipinaayos ang kanilangbahay. Naging masaya ang buhay nila.
Ang kuwintas na iyan... ang nagpapaalala sa akin sa iyong ina...
Binigay po sa akin ito ng aking ama... ibigay ko raw po sa taong magugustuhan ko.
Ngunit sa kasamaang palad, si Mathilde ay nasagasaan at namatay. Si G. Loisel ay nasa trabaho nang mangyari ang trahedya. Sobrang nalungkot si G. Loisel.
Mula noon, hindi na humanap pa ng bagong asawa si G. Loisel. Nagkaroon sila ng anak na babae bago pa man mamatay si Mathilde at ito ay si Bella. Sila na lamang ang magkasama sa buhay hanggang sa magkatrabaho si Belle.
Isang araw, bumisita ang magkasintahang Belle at Hector. Ang kuwintas na ibinigay ng kasintahan niya ay kapareho ng kwintas na naiwala nila. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang ama pala ni Hector ang nakapulot ng kuwintas na naiwala ng mag-asawang Loisel at ipinamana lamang ito sa kanya ng ama niya.Dahil sa sobrang kalungkutan at sakit na naramdaman, inatake si G. Loisel at ito ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.