Nag-tuloy ang kanilang asaran hanggang sa nagkaroon sila ng hamunan sa isa't isa.
Ah, talaga lang ah? Sige, mag-paligsahan tayo. Tingnan lang natin kung sino talaga ang mukhang sira at mabagal dito.
Hindi ako basta-bastang pumapatol sa ganitong simpleng asaran pero para matuto ka, sige. Tingnan natin iyan.
Samantala, sa kabilang banda. hindi man maamin sa sarili ngunit alam na ni Pagong na napapagod na siya't hindi na niya kaya. Mas lalo pang bumagal ang kaniyang pag-kilos at hingal na hingal na siya.
Hay... nasaan na ba ako? Napapagod na ako. Ano ba 'yan!
Sa huli, nanalo pa rin si Kuneho. Hindi ito natanggap ni Pagong noong una. Simula nito, tumigil na sa pagiging mayabang si Pagong at hindi na siya ulit nang-hamon pa ng basta-basta sa kahit sinong hayop sa kanilang lugar.
Ako na ang nanalo, Pagong. Mabuti pa rin ang laro. Sa susunod, maging mabait ka na sa kapwa mo.
*hinihingal*
Mahirap tanggapin sa akin ito, Marahil ay masyado kong binabaan ang tingin sa iyo. Hay nako!