Anak, darating ang lola at lolo mo 'wag mong kakalimutang gumamit po at opo habang nakikipag-usap.
Wala pong problema, 'Nay.
Lysbilde: 2
Magandang Hapon po! Tuloy po kayo, Inay at Tatay.
Kamusta, Apo? Ang laki mo na.
Magandang Hapon po, Lolo at Lola. Mano po.
Lysbilde: 3
Kamusta na po kayo, Lolo? Gusto niyo po ba ng imaiinom o makakain? Ipinaghanda po namin kayo.
Salamat, Apo, pero ayos lang kami. Kamusta na kayo?
Lysbilde: 4
Sa susunod po ulit, Inay at Tatay. Mag-iingat po kayo.
Sige , Apo, mauna na kami. Ingat kayo palagi.
Salamat po, Lolo at Lola sa pagbisita. Ingat din po kayo palagi.
Lysbilde: 5
Bakit hindi ka sumama sa amin kahapon? Ganoon ba ka-importante ang ginawa mo?
Oo, inasikaso kasi namin ang Lolo at Lola ko na bumisita kahapon. Sabi ni Nanay, importanteng asikasuhin ang mga bisita sa bahay at pakitaan ng magandang asal.
Lysbilde: 6
Paano ba pakitaan ng magandang asal o asikasuhin ang mga bisita?
Ilan sa mga nakagawian nating mga Pilipino ay ang pagbati sa kanila nang may kagalakan at paghahanda ng makakakain o maiinom, gayun din ang pagmamano at pagsasabi ng po at opo sa mga nakakatanjda.