Ale, Eto ang inyong pitaka. Naihulog ninyo ito kanina
Naku! Maraming Salamat Iho.
Lolo, mano po.
Aba! Ang galang naman ng apo ko.
Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang iyong problema at kung paano kita matutulungan.
Una, laging maging matapat at magsabi ng totoo at nang sa pagdating ng araw ay ikaw ay pagkatiwalaan ng mga tao sa iyong paligid.
Tulungan ko na po kayo sa pagdadala ng mga libro.
Maraming Salamat.
Pangalawa, igalang ang kapuwa. Hindi lang ang nakatatanda, pati na rin ang lahat ng mga taong na iyong nakakasalamuha at nang sa ganun ay igalang ka din nila.
Ikaapat, maging maunawain at unawain ng mabuti ang iyong kapuwa. Sa paraang ito, maiiwasan mong masaktan ang damdamin ng kapuwa at mas magugustuhan ka ng mga tao sa paligid mo.
Ikatlo, maging matulungin palagi saanman at kailanman sapagkat ang pagiging matulungin ay nakakataba ng puso at ito ay nakakatulong sa pagkilala ng mga taong susuporta sa iyo papunta sa tagumpay.
Ikalima, maging masipag at makakatulong ito sa pag-abot ng iyong pangarap sapagkat kapag ikaw ay masipag, hindi ka magsasawang gawin ang isang gawain kahit paulit-ulit.
Ika-anim at panghuli, lagi kang magsumikap at huwag kang susuko hanggang maabot mo ang iyong minimithi kahit anong hirap ng buhay sapagkat kapag ikaw ay sumuko ay ibig-sabihin nito ay hindi ka makakarating sa iyong mithiin.