O, hayan di nagmukha kang tao. Siya dyan ka muna at ako naman ang magbibihis
Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
Ayaw mong magsimba! Pagagalitin mo na naman ako, e!
Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon...
At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
Lysbilde: 2
A, ang ateistang iyon. Ang... Patawarin ako ng Diyos.
Basta. Maiiwan po ako... Makikipag kuwentuhan nalamang ako kay Tiyo Simon...
Makikipag kuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?
Hindi, mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
Lysbilde: 3
A, husto ka na... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban.
Pero...
Husto na sabi, e!
Lysbilde: 4
KNOCK ~ KNOCK~
Ako, hipag, naulingan kong...
Uh... sino 'yan?
Lysbilde: 5
Naulingan kong tila may itinututol si Boy...
Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sayo rito. Hindi ako sasama kay mama
Lysbilde: 6
Nakakapagtaka! Ano kayang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siyang makikitang lalapit sa Diyos.
Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako...
Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi e hindi rin sasama. Pero, mabuti rin iyon... mabuti sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring..
Lysbilde: 0
Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan...
Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako'y magbibihis... Magsisimba tayo