Søk
  • Søk
  • Mine Storyboards

Filipino

Lag et Storyboard
Kopier dette storyboardet
Filipino
Storyboard That

Lag ditt eget Storyboard

Prøv det gratis!

Lag ditt eget Storyboard

Prøv det gratis!

Storyboard Tekst

  • Sa isang bahay ay may mga alagang nag-uusap-usap. Ang mga alagang ito ay si Lego na aso, si Eva na pusa, si Fishey na isda, at si Leya na isang ibon. Ang aso na si Lego ang nagtawag ng pagpupulong-pulong upang makausap ang mga alagang tulad niya upang pag-usapan kung ano ang kanilang mga kalagayan bilang mga alaga sa bahay ng kanilang amo na si Ben.
  • "Oo nga. Pero sino mauuna?"
  • "Magandang-araw sa inyo! Ako si Lego, ang nagpatawag ng pagpupulong na ito upang kamustahin ang inyong mga kalagayan. "
  • "Magandang umaga rin saiyo, Lego. Mukhang maganda iyang nasa isip mo."
  • "Nakakagulat ka naman, Leya! Ang lakas ng sigaw mo. Sige, ikaw na mauna."
  • "Ako!"
  • "Nakakalungkot naman pala ang iyong karanasan. Ako naman ang sunod. Bilang isang alagang isda ay mahirap ang aking kalagayan dahil katulad kay Leya ay kapag umaalis ang ating amo, kadalasan ay nakakalimutan niya akong bigyan ng pagkain. Nakakalungkot din minsan dahil ako ay mag-isa lang dito sa aquarium. Walang makakasama at makakalaro."
  • "Bilang isang ibon ay lagi akong nakakulong sa aking hawla. Kadalasan lang ako inilalabas ng ating amo. Katulad ngayon, hindi niya ako pinalabas ngunit ay nakahanap ako ng paraan upang makalabas. Minsan ay nakakalimutan din niya akong bigyan ng makakain kaya lagi akong nagugutom. Kumakain nalang ako ng marami kapag sabay-sabay tayong pinapakain.
  • "Ako naman! Bilang pusa ay mahilig akong humabol ng mga daga at kapag may nahuhuli ako ay inilalagay ko sila sa upuan upang ipakita sa ating amo na ako ay isang magaling at matalinong pusa. Inaasahan kong ako ay kaniyang pupurihin ngunit mali pala ang aking inaasahan dahil ako ay kaniyang inilalabas sa bahay."
  • Ganiyan ba talaga ang trato ng ating amo sa inyo? O nakikita niyo lang ang gusto niyong makita? Leya at Fishey, kaya kayo nakakalimutang bigyan ng pagkain dahil sobrang nagmamadali ang ating amo sa kaniyang pupuntahan. Ngunit dinadamihan naman niya ang paglagay sa ating mga pagkainan kapag siya'y nakauwi na. Leya, lagi kang nakakulong upang hindi ka makalabas ng bahay dahil baka ikaw pa ay mawala. Pinapalabas ka naman minsan kapag walang trabaho ang ating amo. Fishey, mag-isa ka diyaan sa iyong aquarium dahil walang sapat na pera ang ating amo upang kumuha pa ng iyong kasama. Ikaw naman, Eva. Mali na ilagay mo ang mga daga na iyong nahuhuli sa upuan dahil sila ay patay na at mabaho ang kanilang mga amoy. Hindi man siya kagaya ng iba ngunit mabait at mahal tayo ng ating amo. Ni hindi nga niya tayo sinasaktan. Kaya sana ay simula bukas, umpisahan ninyong obserbahan ang mga aksiyon ng ating amo upang malaman ninyo na ako ay nagsasabi ng totoo.
Over 30 millioner storyboards opprettet