May isang prinsesang nagngangalang Rhea hinuli siya ng tiyuhin niya na si Amulius upang hindi siya manganak. Iniwan niya ang kanyang tiyuhin at nagpakasal sa pinakamamahal niyang lalaki na si Mars ang Diyos ng digmaan, sila ay nagka-anak ng kambal na si Romulus at Remus.
Pinapatay ni Amulius ang mag-asawa at inutusan niya ang isang alipin na patayin ang kambal para siya na ang mamuno sa trono
Ngunit hindi kaya ng alipin patayin ang kambal kung kaya'y pinanood niya na lang ito sa ilog Tiber. Sa Pag-anod ng kambal ay nakita sila ng isang lobong babae ang lobo na ito ay kapapanganak lang at nawawala ang mga anak nito, napagkamalan ng lobo na anak niya ang kambal
Inampon ng lobo ang kambal, siya ang nagpapasuso sa dalawa. Makalipas ang panahon ay nakita sila ng mag-asawang magpapastol. ang dalawang ito ang nag-alaga sa kambal
Itinuring ng mag-asawang pastol na tunay na anak ang kambal, Si Romulus at Remus ay lumaking malakas at malusog, Iniwan nila ang kanilang tahanan at nagtayo ng siyudad malapit sa ilog ng Tiber
Ninanais ng kambal na isunod sa pangalan nila ang siyudad ngunit hindi sila magkasundo kung sino ang mamumuno sa kanila kaya naglaban ang magkapatid hanggang napatay ni Romulus si Remus. Pinangalan ni Romulus na Roma ang siyudad na nanggaling sa kaniyang sariling pangalan at siya ang pinaka unang hari ng siyudad na Roma.