Adele, tinatawag kang anak ng tsuper ng bus. Tatay mo ba siya?
Naku, hindi! Napagkamalan lang niya ko.
Habang kumakain at nagkakasayahan ang mga kaibigan ni Adele, si Adele ay balisa.
Ang sama ko sa aking ama. Hindi ko dapat siya ikinahiya.
May sasabihin ako sa inyo. Kanina nung tumatawid tayo, ang tsuper ng bus na tumawag sa akin ay ang aking ama. Utang ko sa kanila kung sino man ako ngayon.
Samantala, kakauwi lang ng tatay ni Adele galing trabaho at naghinga siya ng kalungkutan sa kanyang asawa.
Nakita ko kanina si Adele kasama ang kanyang mga kaibigan tila napahiya siya dahil isang tsuper lang ako ng bus.
Dumating si Adele habang nag-uusap ang kanyang ina at ama at agad inakap niya ang kanyang ama ng makita niya ito.
Anak, pinapatawad kita. Ang mahalaga ay alam mong mali ang nagawa mo.
Patawarin niyo ako, ama. Hindi ko dapat kayo ikinahiya kanina. Utang ko sa inyo kung sino man ako ngayon.
Mula noon, iginalang ni Adele ang kanyang ama at ina. At ito ang ika-apat na utos ng diyos.