Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang pook, si Aling Rosa at ang anak niya, si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto
Pinang, ako'y may sakit at di makagawa ng gawaing bahay. Ikaw muna gumawa ng ating pagkain
Sige po
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito.
Nay, saan yung posporo
Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay na kailangan mo
Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Ang bagay na di makita agad ay tinatanong sa kanyang ina.
Nay, saan yung sandok?
Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot.
Pinang?
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.