Zoekopdracht
  • Zoekopdracht
  • Mijn Storyboards

Ang Alamat Ng Mirasol

Maak een Storyboard
Kopieer dit Storyboard
Ang Alamat Ng Mirasol
Storyboard That

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Storyboard Tekst

  • Magandang Umaga! Ang pangalan ko ay Solene.
  • Ako naman ang kaniyang kakambal na si Almira.
  • Mira! Sol! Hali na kayo at kakain na tayo!
  • Napaka ganda ng araw!
  • P-papa!!!! b-bakit niyo po kami iniwan.
  • Narito tayo ngayon...
  • Sa isang tagong bayan ng Tayug sa probinsya ng Pangasinan, matatagpuan ang isang simpleng tahanan kung saan nakatira ang dalawang kambal na sina Solene at Almira, na mas kilala bilang Sol at Mira. Sila ay naninirahan kasama ang kanilang ina na si Aling Mirna habang ang kanilang ama naman ay nag tatrabaho sa ibang bansa.
  • Para sa pamilya.
  • Bata pa lamang ay mahilig nang mag-laro sa labas ang dalawa. Kahit na napaka-init ng panahon at tirik na tirik ang araw ay patuloy parin sila sa pag lalaro sa labas ng kanilang tahanan dahil mahal daw nila ang araw. Nakahanap pa nga ang kambal ng isang lugar kung saan kitang-kita ang sinag ng araw at sinabi nilang ito raw ang kanilang tagpuan.
  • Solene
  • Isang araw, nabalitaan nilang sumabog ang eroplanong sinasakyan ng kanilang padre de pamilya. Pauwi na sana ito mula sa ibang bansa nang biglang nasira ang eroplanong sinasakyan nito at bumagsak malapit sa dalampasigan. Nasa ika-walong baitang lamang sina Sol at Mira nang panahong iyon kung kaya't napakahirap para sa kanila ng nangyari.
  • Miss na kita, Sol.
  • Dahil sa pagkawala ng kanilang ama, napilitang tumigil sa pag-aaral si Sol upang tulungan ang kaniyang ina sa mga gastusin nila sa pang araw-araw na pamumuhay. Mayroon pa kasi silang utang na hindi pa nababayaran kung kaya't kulang ang kinikita ng kanilang ina para makapag-aral silang dalawa. Hindi rin naman labag sa loob ni Sol ang tumulong sa kanilang pamilya kaya siya nalang ang nag paubaya.
  • Ngunit dahil sa pagod sa trabaho sa murang edad, nagkaroon ng malubhang sakit si Sol. Wala namang pambayad sa ospital ang kaniyang ina dahil naubos na ang kanilang ipon kung kaya't nasawi rin siya kinalaunan. Si Mira naman ay nag-apply bilang iskolar sa isang malapit na paaralan at sa awa ng Diyos ay natanggap siya. Siya ay nag trabaho rin bilang hardinera kina Aling Bebang na kanilang kapitbahay para mayroon silang panggastos ng kaniyang ina. Nagbunga naman ang kaniyang paghihirap dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral at nakakuha ng maayos na trabaho sa syudad.
  • Pagkalipas ng maraming taon, namatay si Mira dahil sa katandaan. Ihiniling niya sa kaniyang asawa na ilibing siya sa tagpuan nila ni Sol. Iyong lugar na katapat ng sikat ng araw sa probinsyang kinalakihan nila, sa Pangasinan. Lumipas ang araw at may napansin silang kakaiba sa puntod ni Almira. May tumubo rito na kakaibang bulaklak na ang kulay ay dilaw. Pinaniniwalaan ng mga tao na ito raw ay si Mira na siyang nangungulila sa kaniyang matalik na kaibigan at kakambal. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit ito nakaharap sa sinisinagan ng araw. Dahil dito, tinawag nila ang kakaibang bulaklak na Mirasol na nagmula sa pangalan ng kambal. Wakas.
Meer dan 30 miljoen storyboards gemaakt