Zoekopdracht
  • Zoekopdracht
  • Mijn Storyboards

Zeraya Banawe: Ang Hindi Inaasahan

Maak een Storyboard
Kopieer dit Storyboard
Zeraya Banawe: Ang Hindi Inaasahan
Storyboard That

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Storyboard Tekst

  • Isang araw sa bayan ng Parola, mayroong maganda at matapang na prinsesa na nangangalang prinsesa Zeraya.
  • Pangarap ni Zeraya na maging pinuno ng kanilang bayan sa kaniyang pagtanda. Ngunit hindi pinapamana sa kaniya ang trono at korona ng kaniyang tatay na si Haring Nayon. "Bakit ama? Ako'y nasa tamang edad na at ako rin ang nagiisang anak ninyo ngunit bakit hindi ninyo parin ipinapamana sa akin ang trono't ikaw ay nasa tamang edad na upang makapag pahinga?" Malungkot na tanong ni Zeraya.
  • Ayaw ipamana ng hari ang trono kay Zeraya sa kadahilanang siya ay isang babae. Mas gusto ng hari na ang mamumuno ay isang lalaki para tiyak na ang bayang Parola ay nasa maayos na sitwayon. Kaya't pinagisipan ng hari na sa anak ng kaniyang kaibigan na lamang ibigay ang korona at trono na siyang ikinalungkot ng todo ni Zeraya.
  • Limang araw na nagdaan ay biglang sinugod ng mga halimaw at hayop ang buong bayan ng Parola sa hindi inaasahan na pagkakataon.
  • Nang malaman ni Zeraya ang nangyari sa kaniyang bayan, agad siyang lumabas ng palasyo ng walang paalam sa kaniyang ama upang matulunan ang ibang tao na nasa labas. Ito na ang kaniyang pagkakataon na patunayan na kaya niya ang pakikipaglaban ng walang takot para lamang sa kaniyang bansa na ito naman ay kaniyang naisagawa dahil napatay niya ang namumuno nito.
  • Nang matapos ang labanan, sari-saring emosyon ang naramdaman ng kaniyang ama. Siya ay humingi ng tawad sa kaniyang anak sa kadahilanang minaliit niya ang kakayahan nito dahil lamang sa kaniyang kasarian. Agad na nagkaroon ng seremonya ang tatay upang ibigay ang korona at trona sa kaniyang anak na si Zeraya na siya namang ikinatuwa ng lahat.
Meer dan 30 miljoen storyboards gemaakt