Zoekopdracht
  • Zoekopdracht
  • Mijn Storyboards

Prinsesa ng Louvre

Maak een Storyboard
Kopieer dit Storyboard
Prinsesa ng Louvre
Storyboard That

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Storyboard Tekst

  • Noong unang panahon, sa isang medyebal na kaharian ng Louvre sa Pransya, ay namumuno ang isang matandang haring na nagngangalang Antoine at ang asawang si Reyna Renee. Sila'y may tatlong anak at ang susunod sa yapak ng ama ay si Prinsipe Louis, 21, bilang panganay. Si Prinsesa Anne, 15, ay pangalawa at nag-iisang babae. Siya ay kilalang pinakamatapang na babae sa panahon nila. Si Prinsipe Tristan, 13, ay ang bunso sa kanila.
  • Si Prinsesa Anne ay mula pagkabata pa'y tunay na matapang at nais niyang sumama sa mga kapatid sa pagsali sa mga kabalyero sa kanilang pakikipaglaban, ngunit hindi pumayag ang ama niya dahil ika niya'y isa siyang babae. Kahit pa ganoon, palihim pa rin siyang nanood sa mga ensayo nila upang matuto. Noong naging labindalawa siya, may nakilala itong kabalyerong halos kasing-edad niya na si Philip, kaya humingi siya ng tulong na palihim na turuan siya. Bagaman natatakot si Philip dahil sa nais ng prinsesa, may tiwala naman ito na kakayahan ni Anne, kaya tinuruan niya na rin ito. Nang tumagal ay naging magkaibigan sila at naging malapit sa isa't isa.
  • Isang araw, pumunta ang Hari at Reyna ng Anjou upang ipakilala at ipagkasundo ang mga anak nila, sapagkat 'yon ang tradisyon nila. Sa kabila ay lagian ang pag-iling ni Anne dahil hindi niya naman daw mahal ang lalaki, lalo na't hindi kilala. Nagalit ang Hari ng Anjou dahil sa hindi pagpayag ng anak ni Haring Antoine. Umalis na lamang ang pamilyang Anjou na tila walang nangyari. Pinagalitan ni Haring Antoine at Reyna Renee ang anak sa ginawa. Sa inis ni Anne sa pilitang kasal, nagkulong na lamang ito sa kwarto niya.
  • Ang hindi alam ng pamilyang Louvre na nilulusob na ng mga kawal ng Anjou ang kahariang Louvre dahil sa hindi pagpayag ni Anne na pakasalan ang anak. Ang masama pa ay mas malakas ang pwersa ng Anjou kaysa sa Louvre. Hindi ito inaasahan ni Haring Antoine dahil inakala niya'y mabait ang hari ng Anjou. Mabilis na lamang naghanda ang mga kabalyero ng Louvre upang harangin at labanan ang katunggali. Dahil dito'y nagkaroon ng digmaan. Sangkapat ng mga kabalyero sa Louvre ang natalo, habang sa kabila'y tila nasa sampung porsyento pa lamang. Tila mawawalan sila ng pag-asang maprotektahan ang kaharian, hanggang may dumating na isang kabalyero. Hindi pa nila napapansin kung sino nagtaka sila na umonti ang mga kalaban. Kanilang ipinagtaka kung anong dahilan.
  • Natapos ay natalo na ng tuluyan ang mga kalaban, ngunit may napapansin silang nakapulang armor na kabalyero kanina pa habang nakikipaglaban sila. Nakita nilang siya ang dahilan ng mabilisang pagkaubos ng mga katunggali. Ipinaalam ng ito ng pinuno ng kabalyero sa Hari, kaya't ipinahanap niya ito. Di nagtagal, nahuli ito papasok pa lamang sa isang kwarto. Itinanong nila ito kung sino siya. Ipinakita niya ang tunay niyang mukha at laking gulat ng mga kabalyero. Dinala ito sa Hari at natuklasang ito ay kaisa-isa niyang anak na babae, si Prinsesa Anne. Nagdiriwang ang buong kaharian sa pagwagi nila, at sa kabayanihan ng mga kabalyero, lalo na ang iisang babaeng nakipaglaban.
  • Sa bandang huli, pumayag na ng Haring Antoine sa pagsali ni Prinsesa Anne sa pwersa ng mga kabalyero. Tuwang-tuwa ang anak at nagpasalamat ito dahil sa tiwalang ibinigay sa kaniya. Nagpasalamat din ng taus-puso ang Hari sa ginawa niya para sa kaharian. Dahil doon ay pumayag na rin ang Hari na magkaroon ng iba pang mga babaeng kabalyero sa pwersa niya. Pumayag na rin ang Hari sa ikakasal na lamang siya sa mapipili ng anak. 'Pag tuntong ng 18, ikinasal na si Anne, hindi sa Prinsipe ng Anjou, kundi sa kaibigang si Philip. Tapos, hinirang na pinuno si Anne ng pwersa nila nang magretiro ang naunang pinuno.~~Wakas~~
Meer dan 30 miljoen storyboards gemaakt