Zoekopdracht
  • Zoekopdracht
  • Mijn Storyboards

Alamat ng Pilipinas (Part 1)

Maak een Storyboard
Kopieer dit Storyboard
Alamat ng Pilipinas (Part 1)
Storyboard That

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Storyboard Tekst

  • Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang maliliit na mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo ay may nakatira ditong isang higante.Ang kweba nya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang tatlong anak na babae na sina Minda, Lus at Bisaya.
  • Isang araw kinakailangang umalis ng amang higante upang mangaso sa kabilang pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid kaya pinag sabihan niya ang tatlo.“Huwag kayong lumabas ng ating kweba,” ang bilin ng ama. “Dyan lamang kayo sa loob dahil may mga panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.”
  • Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kweba ang magkakapatid. Inayos nila itong mabuti para masiyahan ang kanilang ama.
  • Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi ito masunurin sa ama. Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat. Hindi man lamang nagsabi sa mga kapatid.Tuwang-tuwa si Minda na naglalaro ng mga along nanggagaling sa dagat. Namasyal sya at hindi nya napansin na malayo na pala sya sa tabi ng dagat.
  • Habang sya ay naglalakad, isang napakalaking alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda. Nagsisigaw sya habang tinatangay ng malaking alon sa gitna dagat.“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa loob ng kweba kaya tumigil sa paggawa ang dalawa.
  • “Si Minda humihingi ng tulong!” sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat. “Oo nga! Halika na!” yaya ni Bisaya. “Bakit kaya?” Mabilis silang tumakbo sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nila sisinghap-singhap sa tubig ang kapatid. “Hayon sa malayo!” sigaw sabay turo ni Lus. “Hindi marunong lumangoy si Minda ah!” sabi ni Bisaya at tumakbo na naman ang dalawa. Sabay iyak ni Lus.
Meer dan 30 miljoen storyboards gemaakt