Zoekopdracht
  • Zoekopdracht
  • Mijn Storyboards

DIWATA

Maak een Storyboard
Kopieer dit Storyboard
DIWATA
Storyboard That

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Maak je eigen Storyboard

Probeer het gratis!

Storyboard Tekst

  • Ang Diwata ng Kalikasan
  • Kayong mga dayuhan, igalang niyo sana ang kalikasan.
  • Ako si Diana. Tagapangalaga ng kalikasan
  • Wow! igalang daw! Ano yon tao? ha ha
  •  
  • Makapagsalita ka naman parang ikaw may-ari nitong bundok!
  • Sino ka ba?
  • Tama naman siya. Napakaganda kasi ng lugar na ito.
  • Ang Diwata ng Kalikasan
  • Tama si Bb. Diana. Igalang natin ang kagubatan upang mapanatili ang kagandahan nito.
  • Igalang niyo ang mga hayop sa paligid ito ang kanilang tahanan. Ang mga halaman Huwag niyo namang sirain! Maari bang pakiligpit ninyo ang iyong mga basura?Baka magalit sa inyo ang Diwata ng Kalikasan!
  •  
  • Makapagsalita naman ito, akala mo siya may ari ng kagubatang ito.
  • Wow!andami ring ibon. Yari kayo mamaya sa tirador ko.
  • Basta mag-uuwi ako ng marami nito at ibebenta ko.
  • Ang Diwata ng Kalikasan
  • Paumanhin. Bigla na lamang po kayong sumulpot. Sino po sila?
  • Lagot! Sino ang babaeng ito na may taglay na mahika?
  • Marahil ito na ang diwatang sinasabi ni Diana. Totoo pala siya.
  • Kayo talaga ay hindi marunong pakiusapan! At dahil kayo ay sadyang malupit sa kalikasan, kailangang matuto kayo ng leksyon!
  • Ako ang Diwata ng Kalikasan!
  • Noong unang panahon, ayon sa mga matatanda ay may mga nagsasabing dapat mag-ingat sa pagtunggo sa mga kagubatan dahil may mga diwatang naninirahan raw dito. Isang araw, ang mga magkakaibigan na sina Alfred, Bianca, Camille at Danny ay nagkasundong umakyat ng bundok upang mamasyal at mag picnic.
  • Ang Diwata ng Kalikasan
  • Kokolektahin ko ang mga plastik na pinagbalatan ng mga pinagkainan natin at isisilid ko muna sa bag. Maaari pa itong irecycle.
  • Patawad ibon. Pakakawalan na kita.
  • Hindi pinansin nang tatlo ang sinabi nila Danny at Diana. Nagpatuloy si Bianca at Camille sa pagpipitas ng mga halaman at si Alfred naman ay inilabas ang kanyang tirador at inasinta ang mga ibon. Nagtagumpay si Alfred sa paghuli ng isang ibon sapagkat tinamaan niya sa paa ang isa sa kanila. Nagkalat din ang mga pinagkainan nila sa daan. Balat ng kendi, boteng plastik at iba pa.
  • Ang Diwata ng Kalikasan
  • Nawaý matututo na kayong igalang at mahalin ang kalikasan dahil ang lahat ng ito ay ipinagkaloob ng Maykapal sa ating lahat. Panatilihin natin ang kagandahan nito upang masilayan at pakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon
  • Bitbit ni Alfred ang kanyang nahuling ibon. Sina Bianca at Camille naman ay bitbit ang mga halamang kanilang pilit na pinagpipitas. Samantalang nagkalat ang mga basura nila sa daan. Pauwi na sila ng hapong iyon nang bigla na lamang may lumabas na isang diwata sa harapan nila. Ito ay galit na galit sa kanila. Pagkasabi ng tinuran ay bigla na lamang itong naglaho.
  • Ang Diwata ng Kalikasan
  • Mga kaibigan nasa tamang daan na tayo. Hayun kita na ang mga kabahayan
  • Pagkauwi ay pangungunahan natin ang paglilinis ng kapaligiran at pagtatanim ng mga puno
  • Isang oras nang naglalakbay pauwi ang apat na magkaibigan ng mapansin nilang pabalik-balik lang sila sa lugar na pinanggalingan. Nagpasya silang baliktarin ang kanilang mga kasuotan upang makita nila ang tamang daan ngunit bigo pa rin sila. Sinabi ni Danny na marahil ito na ang kaparusahang sinasabi ng Diwata ng Kagubatan. Sinunod ng tatlo ang utos ni Danny na linisin nila ang kagubatan. Pagkatapos ay hahanapin nila ang Diwata ng Kalikasan upang humingi dito ng tawad.
  • Ako naman ang magkokolekta ng mga nabubulok na basura. Ito ay aking ibabaon sa lupa upang maging pataba.
  • Dapat simulan na nating linisin ang kagubatang ating dinumihan. Kasalanan natin ito. Dapat ginalang natin ang kalikasan.
  • Pagkatapos nito ay marapat lamang na tayo'y humingi ng tawad sa Diwata ng Kalikasan
  •  
  • Humingi ng tawad sa Diwata ng Kalikasan ang apat na magkakaibigan at nangako silang pangangalagaan ang kalikasan. Kasama na rito ang mga bundok, tubig, hayop, puno at mga halaman nito. Nangako rin sila na mangunguna sa pagpaparami ng puno sa pamamagitan ng pagtatanim upang mapalitan ang mga punong namamatay.
  • Diwata ng Kalikasan patawarin mo na po kami. Simula ngayon matututo na kaming pangalagaan ang kalikasan. Hindi na namin sisirain ito bagkus ito ay aming pangangalagaan.
  • Dahil naitama nina Alfred, Bianca, Camille at Danny ang kanilang pagkakamali, sila ay pinatawad ng Diwata ng Kalikasan. Sila ay payapa nang nakauwi sa kanilang mga tahanan. Pinangunahan nila ang kalinisan sa kanilang lugar at ang pagtatanim ng mga puno at mga halaman.
  • Maasahan ninyo ang tulong ko diyan.
  • Sama-sama tayong lahat diyan
  • Salamat sa Diyos at makakauwi na tayo.
Meer dan 30 miljoen storyboards gemaakt