Isang gabi, habang natutulog si Don Juan, pinakawalan nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Upang hindi ito malaman ng Hari, umalis si Don Juan at pumunta sa Bundok Armenya. Itinanong ng Hari sina Don Pedro at Don Diego kung nasaan si Don Juan, ngunit sila ay nagsinungaling na hindi nila alam kung ano ang nagyari kay Don Juan at sa Ibong Adarna.
Isang araw, namasyal ang mga magkakapatid sa mga bundok. Sila ay may nakitang balon. Naisipan ni Don Juan na bumaba sa ilalim ng balon. Unang bumaba si Don Pedro dahil siya ang panganay, ngunit hindi siya nagtagumpay. Sumunod naman si Don Diego, ngunit hindi rin siya nakaabot sa ilalim ng balon. Sumunod naman si Don Juan, at siya ay nakaabot sa ilalim ng balon. Doon niya nakita ang isang magandang palasyo kung saan nanirahan si Donya Juana.
Ipinahanap ng Hari ang bunsong anak. Matagal nilang hinanap at malayo na ang kanilang narating nang nakita si Don Juan sa Bundok Armenya. Malinis, maganda, at mapayapa ang Bundok Armenya. Naisipan ng mga magkakapatid na manirahan doon sa Bundok Armenya.
Sa utos ni Donya Juana, hinanap ni Don Juan si Donya Leonora. Nakita ni Don Juan si Donya Leonora sa isang magandang palasyo. Dahil sa bait ni Don Juan, umibig si Donya Leonora sa kanya. Ngunit, hindi rin nagtagal, dumating ang serpyenteng tagabantay ni Donya Leonora.
Nakita ni Don Juan si Donya Juana, at siya ay umibig sa kanya. Hindi nagtagal, dumating ang tagabantay ni Donya Juana, ang isang higante. Lumaban si Don Juan at ang higante. Ang higante ay napatay ni Don Juang matapang. Nang napatay ni Don Juan ang higante, ikinausap ni Donya Juana na iligtas din ang kanyang kapatid na si Donya Leonora na binabantayan ng isang serpyenteng may pitong ulo. Sumunod si Don Juan sa utos ni Donya Juana.
Lumaban si Don Juan at ang serpyenteng may pitong ulo. Mahirap patayin ang ahas na ito. Hindi nakalimutan ni Don Juan na tumawag sa Diyos, at sa tulong rin ni Donya Leonora, napatay ang serpyente.