Noong unang panahon... ... wala ni isang puno o damo sa lupa. Wala pang sangkatauhan at tanging mga diwata lamang ang nilikha ni Bathala, at sila ay naninirahan sa paraiso. Masaya at matiwasay ang kanilang pamumuhay noon.
Isang araw, nagpasyang lumabasng paraiso ang isang diwata, si Diwata Agubat, upang magliwaliw at pagmasdan ang iba pang nilikha ni Bathala. Manghang mangha si Diwata Agubat sa kanyang nakikita.
Ang ganda naman ng nilikha ni bathala!
Napagod ako sa paglalakad. Mabuti pa at magpahinga nalang ako rito sa isang planeta. Maaari ring umidlip ako saglit.
Ngunit... ... sa paggising niya ay nakaramdam siya ng paghihina at hindi siya makaalis sa lugar na iyon dahil tila hinihila siya nito pababa.
Anong nangyayari? Bakit hindi ako makaalis rito? Tulong po!
Kaya naman labis siyang naghina at naging sanhi ito ng kanyang pagpanaw.
Nasaan na kaya ang aking kapatid? Nag-aalala na ako.
Samantala, hindi mapakali sa paraiso ang isa sa mga kapatid ni Diwata Agubat na s Diwata Maria. Kata't sinundan niya si Agubat at hinanap.