bote !! bote !! may bote ba kayo dyan?? 
ang ingay naman !!
oo nga, wala  na akong narinig mula sa kanya
ba't wala si ka bote? nakakapanibago ito
sana okay lang siya
buti naman, ang ingay ingay ng matandang iyon !!
Hanggang sa mabalitaan nila ang masaklap na nangyari....
BARKK!
GRRR!
Noong unang panahon sa nayon ng Amihan ay may isang magbobote na kilala sa tawag na Ka Bote. Tuwing araw ng Lunes at Miyerkules maririnig na ang kanyang boses na sumisigaw sa buong nayon mula umaga, tanghali hanggang hapon
oww!
Isang araw ng Lunes nanibago ang lahat nang hindi nila marinig at makita ang matanda. May mga taong natutuwa dahil medyo nabubulahaw sila sa sigaw ng matanda pero mas marami ang nag- aalala at naghahanap rito.  
AAAH!
Sabado noon nang ang matanda ay naglalakad may nakita siyang mga asong nagkakagulo at nag -aaway sa may gilid ng isang bangin. 
kabutihan...
Gumawa siya ng paraan upang mahinto ang kaguluhan sa pamamagitan ng paglikha ng malalakas na tunog gamit ang bato at kahoy bagay na naging epektibo at nagtakbuhan ang mga ito sa iba’t ibang direksyon
Kumuha ng kanyang atensyon ang isang ungol na animo’y nagmamakaawa at nang ito’y kanyang lapitan tumambad sa kanya ang isang asong nakalambitin sa bangin. Tumakbo siya at sa pagmamadaling iabot ang kanyang kamay ay hindi niya napansin ang hina ng lupang natapakan.
Sa paglipas ng mga araw naging usap- usapan ang nangyari hanggang sa unti- unting nakalimutan, ngunit namangha ang lahat sa biglaang pagtubo ng isang maliit na puting halaman sa iba’t ibang bahagi ng nayon