Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ng tiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas. Itay
Sana nga anak, harinawa nga.
Isang araw bago mag anihan. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabay hablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
Hindi kami makapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mga ninuno. Hindi kami aalis dito, magkamatayan na tayo.
Nakita niya ang pananalim ng mata ng kanyang kuya
Huwag kayong lalabas, ako na ang bahala . ( ang sabi ng may pag-uutos)
Narinig niya ang mga kasa ng baril habang hinuhugot ng kanyang kuya Lito ang matalim na tabak. Umalingawngaw ang nakatutulig na mga putok, at sinunndan pa ng iba pa. Namasdan niya ang dugong umaagos sa katawan ng kaisa-isa niyang kapatid. Ang kirot na nadarama ng kanyang Kuya Lito ay dama niyang dumampi sa hapis na katawan mutang isispan.
Tatlong araw ng nakaraan matapos matabunan ng lupang putikan ang bangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang nasa ibabva ay dumaing. Ang ama ang tinik sa naglalatang niying dibdib. Alam niyang humahalakhak niya ay laklong naratay sa sakit bunga bg tinamong kasawian ng kanyang kuya Lito
Pagkaraan ng ilang araw at buwan ay nanghina ang kanyang ama dulot sa mga nangyari . Bago namaalam ang kanyang ama ay may pagsusumamo ang kanyang boses pinipilit na makapagsalita habang patuloy na nanghihina,.
Anak hindi na ako magtatagL. Simulang pagkabata ay hinangad namin ng iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ng tadhana sa atin.
Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa,alalahanin mong ang tao ay nabubuhay sa daigdig ng pakikibaka.