Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ba si C-Crisostomo Ibarra? Ginoong Ibarra, na,tulad ng alam ng lahat, ay matagal nang patay!
Ipinakilala ni Basilio ang kaniyang sarili. Sinabi niya na 13 taon na ang nakakaraan ay nagkita sila sa parehong pook, at nag-alay siya ng ilang pakikiramay sa kanya.
Slidkalniņš: 2
Kailangan kitang patayin para sa kaligtasan at alang-alang sa aking dakilang layunin dahil alam mo ang tanging sikreto na maaaring magdulot ng kasawian at sumira sa aking mga plano.
Sinabi ni Simoun na kailangan niyang patayin si Basilio upang hindi masira ang kaniyang layunin at lumabas ang kaniyang lihim.
Slidkalniņš: 3
Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Maaari ba kitang tulungan, Ginoong Simoun?
Dahan-dahang pinuntahan ni Simoun ang liwanag na pinapakinang ni Basilio sa puntod ng kanyang Ina.
Slidkalniņš: 4
Totoong ako'y naparito upang wakasan ang pang-aapi. Hindi ko akalaing ang lason ay kumalat na at ang mga kabataan ay walang ibang ginawa kundi ang magpa- alipin.
Nagkakamali ka sir, Simoun! Kung hindi dahil sa pagkatuto ng mga kabataan ng Espanyol, hindi tayo pakikinggan ng ating pamahalaan, ang wikang Kastila ang magiging tulay sa pagitan ng mga Pilipino.
Sinabi ni Basilio na iba pala ang pagkakakilala nito kay Simoun. Sabi rin niya na mali ang kaniyang iniisip patungkol sa wikang kastila at pagiging mapag-alipin ng mga Pilipino sa mga 'to.
Slidkalniņš: 5
Hahayaan kitang mabuhay Basilio, ngunit samahan mo ako, sama-sama nating isakatuparan ang aking mga plano
Salamat sa pagtitiwala Ginoong Simoun, ngunit ako man sa sarili ko'y may mga pangarap din. Wala akong kakayahan. May mapapala ba ako sa paghihianti?
Sinabi ni Simoun na noon pa ay nasaksihan na niya ang kanilang lupon, at ilang beses na niya silang pagtangkaang sabihan ngunit hindi sila nakikinig. Inalok ni Simoun si Basilio na makiisa sa kaniya ngunit ito'y tinanggihan ni Basilio.
Slidkalniņš: 6
Ipinaliwanag ni Simoun kung ano ang mapapala nila sa paghihiganti. At ngayo'y lumalalim na ang gabi, sila'y nagpaalam sa isa't-isa.
Hindi ko naman hinihiling na itago mo ang sikreto ko dahil kahit ibunyag mo ito sigurado akong hindi ka nila paniniwalaan. Gayunpaman, kung sakaling magbago ang isip mo, hanapin mo lang ako.