Meklēt
  • Meklēt
  • Mani Scenāriji

Unknown Story

Izveidojiet Storyboard
Kopējiet šo stāstu tabulu
Unknown Story
Storyboard That

Izveidojiet savu Storyboard

Izmēģiniet to bez maksas!

Izveidojiet savu Storyboard

Izmēģiniet to bez maksas!

Montāžas Teksta

  • Noong panahong napadpad ang mga Kastila sa Pilipinas, dumaong ang kanilang mga barko sa pulo ng Panay Sa paglilibot ng mga sundalong pinangunahan ng mabait na Heneral, nakatanaw sila ngisang babaeng naglalaba sa batis..
  • Lumapit sila sa babae upang itanong kung ano ang ngalan ng pook na kanilang kinaroroonan. Ang babaeng iyon ay may kasamang kambal na anak na lalaking kasalukuyang naliligo sa malinaw na batis.
  • Dahil noon lamang nakakita ng kawal na Kastila ang babae, natakot siya at nagtangkangtumakbo.
  • Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya palayo ay marahang lumapit ang Kastilang heneral sa kaniya at nagtanong,na ang ibig sabihin ay, “Ano ang pangalan ng lalawigangito?”
  • “Como se llama esta provincial?”
  • Hindi naunawaan ng babae ang tanong ng pinunong Kastila. Pero nang mapansin ng babae na nakatinging mabuti ang heneral sa dalawa niyang anak na nakakapit sa kaniyang hita, inakala ng natatakot na babae na ang itinatanong sa kaniya ay kung bakit magkamukhang- magkamukha ang dalawa niyang anak. Tumugon siya sa wikang Bisaya,
  • Yumukod ang pinunong Kastila bilang tanda ng pasasalamat bago nagpaalam sa pag- aakalang ang isinagot nitong “Capid” ay siyang tamang sagot sa kanilang tanong.
  • “Como se llama esta provincial?”
  • “Capid...capid...” na ang ibig sabihin ay kambal.
  • Agad na itinala ni Hen. de la Cuesta ang salitang ”Capid” at nagpatuloy sila sa paglalakbay sa buong lalawigan. Ngunit nang mag-usap-usap na sila tungkol sa pangalan ng lalawigan ay nahirapan silang bigkasin ang pangalan nito. Hindi angkop sa kanilang dila ang salitang may titik ‘d.’ Dahil doon, binago ng Heneral ang titik ‘d’ at ginawang titik ‘s.’
  • Buhat noon, ang lalawigang iyon na sakop ng isla ng Panay sa Kabisayaan ay kinilalang Capis imbis na Capid ng mga Kastila. Iyon ang naging bunga ng hindi pagkakaunawaan ng natatakot na ina at ng isang heneral na Kastila.
  • ”Capid”
Izveidoti vairāk nekā 30 miljoni stāstu shēmu