Si Basilio ay naglalakad sa kalye at makailang ulit na tiniyak na walang nakakakita o sumusunod sa kaniya.Tinahan niya ang isang landas na walang gaanong naglalakad hanggang marating ang matandang gubat na dating pag-aari ng mga Ibarra subalit mula nang paniwalang patay na ito ay kinumpiska ng pamahalaan at naipagbili kay Kapitan Tiago.
Your internet connection was restored.Ulilang lubos si Basilio at nagtungo sa Maynila,kung kani-kanino siya lumapit upang manilbihan. Siya'y may sakit,gula-gulanit ang damit at wala ni isang tumanggap sa kaniya.
Your internet connection was restored.Huminto siya sa harapan ng isang bunton ng mga bato at nagbigay galang,saka nanalangin.Ito ang puntod ng kaniyang pinakakamahal na Ina na lingid sa kaalaman ng lahat ay dinadalaw tuwing umuuwi siya sa bayan ng San Diego. Umupo siya at nagsimulang magmuni-muni. Labing tatlong taon na ang nakaraan subalit hindi pa rin nawala sa isip ni Basilio ang nangyari sa ina. Nalagutan ng hininga ang kaniyang ina nang gabing iyon, may isang lalaking nag-utos na kumuha siya ng kahoy.Pagbalik niya ay isang bangkay ng lalaki na katabi ng kaniyang ina.Isang lalaki din ang dumating at tumulong sa pagsisiga sa bangkay ng lalaki at paglilibing sa ina ni Basilio nasi Sisa.
Hanggang sa masumpungan niya ang kakilalang si Kapitan Tiago na kababayan niya sa San Diego.Tinanggap siya nito bilang utusan na walang kapalit na bayad ngunit pinayagang makapag-aral sa San Juan de Letran.Hindi naging hadlang ang ginawang pagtrato ng mga guro't kamag aral. Nagsikap siya at nag-aral ng mabuti, lahat ng aralin ay kinabisado niyang mabuti ultimo tuldok at kudlit. Naipasa niya ang pasalitang pagsusulit na halos hindi tumitigil at humihinga sa pagsasalita.Walang gatol at walang pagkakamali siya sa pagsaulo at pagbibigkas ng mga leksiyon sa harap ng klase.
Nasa harapan niya ang mga taong nagtitipon at humahanga sa kaniya. Lahat ng tao ay nakinig sa kaniya at sasabihin niya ang mga bagay na higit na mahalaga, kakalimutan niya ang kaniyang sarili at ang kapakanan ng mahihirap na mag-aaral ang kaniyang isaisip at ihaharap. Nagbunga nito ng magandang marka kasama ang medalya.Inudyak ni Kapitan Tiyago na lumipat si Basilio sa Ateneo, hinangaan ni Basilio ang pagtuturo at ang pagmamalasakit ng mga guro sa mag aaral,lalong nagsumikap mag-aral hanggang palaring maging tanyag doon.
Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito, bago ito maging abogado kaya pumayag na itong mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na makakatulong si basilio ng mga bangkay kaya't magagamit ito sa lason na ilalagay sa tari ngkanyang panabong na manok sa tuwing labananHuling taon na niya ng pag-aaral at dalawang buwan na lamang ay magtatapos na siya at tatanghaling isan tunay na manggagamot.Naisipan niyang bumalik sa San Diego at pakasalan si Juli upang mamuhay ng tahimik at maligaya.