Meklēt
  • Meklēt
  • Mani Scenāriji

PEDERO_STEM122_FILS03G_ABSTRAK_WW2

Izveidojiet Storyboard
Kopējiet šo stāstu tabulu
PEDERO_STEM122_FILS03G_ABSTRAK_WW2
Storyboard That

Izveidojiet savu Storyboard

Izmēģiniet to bez maksas!

Izveidojiet savu Storyboard

Izmēģiniet to bez maksas!

Montāžas Teksta

  • Sa artikulong ito, tinatalakay ang pagpapatupad ng programang "K - 12 curriculum" sa Pilipinas. Sapagkat hindi ganoong kagandahan ang kalidad ng edukasyon sa bansa, kinakailangang palitan ang kinalumaang sistema na hindi na pasok sa international na pamantayan ng edukasyon.
  • Ayon sa teksto, ang K - 12 curriculum ay dinisenyo upang makapagbigay ng sapat na kasanayan at makapaghanda sa mga estudyante sa kanilang mga trabaho. Sila ay hahasain sa akademiko, bokasyonal, at teknikal na aspeto ng mga kurso na kanilang kukunin sa hayskul.
  • Ngunit, ang pagdagdag raw ng dalawang pang taon sa hayskul ay isang malaking problema para sa mga magulang dahil sa dagdag gastusin nito, at pati sa oras na masasayang na dapat nalaan na sa kolehiyo o sa pagtatrabaho.
  • Sa kabilang banda naman, ipinapahiwatig ng teksto na kung iisiping mabuti ay solusyon ang pagdagdag ng dalawa pang taon sa edukasyon ng Pilipinas, sapagkat mas magiging mahasa ang mga estudyante sa pagiging isang propesyonal at mapapabuti nila ang sarili sa iba't-ibang aspeto o larangan.
  • Sa pangkalahataan, ipinaliwanag ng artikulo na ang K - 12 curriculum ay makakatulong sa paghahanda ng mga estudyante sa pagtatrabaho, sa pagtatayo ng sariling negosyo sa pamamagitan ng certificates ng TESDA, at sa pagpili ng mga estudyante sa kanilang tatahaking career.
  • Inaasahan na ang DepEd ay may sapat na kahandaan upang maimplement ang programa ng epektibo at mapalitan ang lumang sistema, kasama ang mga guro, libro, at pasilidad na gagamitin. Inaasahan rin ang pagsuporta sa programang ito imbes na magreklamo upang matulungan ang bawat mamamayan.
Izveidoti vairāk nekā 30 miljoni stāstu shēmu