Noong unang panahon, May mag-asawang nakatira sa Baryo Makiling. Sina Handro at Leona. Mahirap lang sila kung-gayon ay wala sila sapat na gamit sa pangaraw-araw na kabuhayan. Si Handro ay sinusubukan ang isang trabaho sa gubat kung saan siya'y naghahanap ng mga kahoy na maaaring maibenta kung maganda ang kalidad nito, Habang si Leona naman ay nananahi ng mga bestida sa murang halaga sa palengke sa bayan.
Hapon na, Sinundo ni Handro si Leona mula sa palengke upang sabay na silang makauwi. Habang sila ay naglalakad, Dumaan sila sa isang panaderya. Sarado ito kaya babalik na sana sila ngunit may nakita silang sanggol na umiiyak na nakabalot sa kulay rosas na malaking bandana.
Napagisipan na nilang angkinin ito at pangalanang Marifella. 1 taon ang nakalipas, Sa loob ng tahanan ay makikitang tinuturuan ng mag-asawa si Marifella na maglakad. Maya-maya ay isinama nila ito na gumala sa palengke sa bayan. Maraming bagay ang itinuturo at tinititigan si Marifella ngunit sapat lang ang pambili ng mag-asawa para sa kanilang pangangailangan.
Isang tanghali, Habang buhat-buhat ni Handro ang mga kahoy na kanyang naipon, Naisipan nyang tumigil muna sandali at magpahinga. Nakita nya ang matandang babae na gumagawa ng suklay na gawa sa punong-kahoy. Inalok sya ng tinapay habang nanonood. Natapos ng kumain si Handro ngunit bago ito umalis ay binigyan ng matandang babae ng suklay si Handro at sinabihang ibigay at ipaggamit ito sa unang babaeng anak nila.
Marami-raming taon ang lumipas at humaba ng humaba ang buhok ni Marifella. Si Marifella ay kinilala sa baryo nila dahil sa mahaba at makintab nitong buhok na tinataglay. Ang mga kapitbahay nilang pamilya ay nagdadala ng ilang magagandang kagamitan upang ipadama ang paghanga sa buhok ni Marifella habang ang iba ay humihingi ng payo sa mga magulang ni Marifella kung anong alaga ang ginawa nila kay Marifella pati sa buhok nya.
Hindi nagtagal ay nakapagtayo rin sila ng paggawaan ng suklay at dinayo sila ng karamihan. Epektibo ang suklay dahil napapaganda nito ang buhok. Ang iba ay sinasabi na epektibo ito dahil kay Marifella at ang iba naman ay dahil sa kahoy at iba pang materyales na ginamit rito na para bang mahiwaga ito. Kinilala ang negosyo nila sa maraming lugar maski sa ibang bansa. Ang iba ang nagpatayo narin ng paggawaan ngunit wala paring nakakatalo sa pamilya ni Marifella.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių