Paieška
  • Paieška
  • Mano Siužetinės Lentos

Buhangin ni Greth the Great

Sukurkite Siužetinę Lentą
Nukopijuokite šią siužetinę lentą
Buhangin ni Greth the Great
Storyboard That

Sukurkite savo siužetinę lentą

Išbandykite nemokamai!

Sukurkite savo siužetinę lentą

Išbandykite nemokamai!

Siužetinės Linijos Tekstas

  • At dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang maliit na bote na may lamang lupa.
  • matapos kaming mapaalis sa aming lugar.
  • Walong taong gulang pa lamang ako kaya't di ko nauunawaang parte kami ng negosyo sa resort na iyon at hindi mga nilalang na may puso't isipan. Kami ay nagtitinda ng mga hinabing basket, pamaymay, tsinelas, mga palamuti sa bahay, at mga souvenir.
  • Are you studying?Napansin kong kasingkulay ng kanyang balat ang malaperlas na buhangin, ng dagat ang kanyang mga mata. Nakatulala lamang ako sa kanya no'ng una ko siyang makilala. Kano, may kano, ayan na... naririnig ko ang aking mga kasamahan. You have a pair of wonderful eyes, so dark and pensive they could have belonged to the sockets of a philosopher. At ngumiti siya.
  • Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura. Isang bote lamang ng lupa ang dala-dala ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod. May mga pagkakataon na kami'y nagkuwentuhan na parang 'mag-ina, siya daw ay di ligawin ng mga lalake noong Junior High. Ang mga gusto nito ay mga cheerleader type. They stuff crumpled tissue paper inside their bras to make them seemingly bigger. At kami'y tumawa. Umalog ang bote na nasa aking bulsa.
  • Bukas, bibisita kami sa Pilipinas sapagkat ako'y inanyayahan upang parangalan. Ako'y matanda na, ngunit, hindi ako' nakalilimot sa aking kinagisnan. Isang Ata-Manobong iskolar, nagtapos sa prestihiyosong unibersidad, waring isang istoryang katumbas ng pagkakakita sa isang sasakyang pangkalawakan ng mga nilalang galing ibang planeta. Ang bote na aking hawak ngayon ay naglalaman ng ispiritu natin, ng mga Ata-Manobo. Ito lamang ang aking nakuha mula sa kayamanang ninakaw mula sa atin. Oo, ako'y katutubong uminom ng katas ng karunungan sa dayuhang lupain ngunit ako'y di nakalimot, di makalilimot. Ang pagpaparangal na ito ay isang insulto. Nanginginig ang aking mga laman habang nakatayo sa gitna ng mga tao. At bigla ang lahat ay naging blangko. Ang mga politiko, media, mga prominenteng tao, at mga kapwa kong Ata-Manobo sa aking harapan ay waring walang buhay ng mga oras na iyon. Tahimik. Nagtataka. Ano ang nangyayari? Ano ang kaniyang sinasabi? Ha? Ako lamang pala ang nakakabatid. Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhayPaalam.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių