Pagkatapos magsimba ni Gio, naglilibot siya at naghahanap kung saan maaring kumain na puro puno, mahangin, malinis, at maganda,
Saan kaya magandang kumain? Ay! Mayroon pala doon sa dulo, makapunta na nga.
Ang ganda pala dito! Malapit sa kalikasan, nakikiisa sa pagaalaga sa kalikasan. Sana lahat ng kainan ay ganito kalinis.
Nakasalubong ni Gio ang matalik niyang kabigan sa kainan kaya't inaya na niya itong kumain at siya na ang nagbayad ng kanilang pinagkainan.
Gio! Galing ka simbahan noh? Napaka bait mo pa rin! O siya, dito na ako kakain at para makapagkwentuhan pa tayo.
Mark! Nandito ka pala! Dito kana kumain, ako na bahala magbayad sa pagkain mo.
Doon sila nagkwentuhan at kumaing dalawa. Pagkatapos, pinayo ni Gio na itapon nila sa maayos na tapunan ang pinagkainan para di na mahirapan ang mga waiter.
Bago tayo umuwi, itapon muna natin sa tamang tapunan yung mga pinagkainan natin.
Sige lang, Gio!
Dapat matuto tayong isegregate. Ihiwalay palagi ang biodegradable at non-biodegradable, nasa sa atin nalang toh, Mark kung susundin natin o hindi. Ang mahalaga, alam natin ang mali at tama at mayroon tayong disiplina.
Tama ka dyan, Gio. Dapat natin isaalang-alang ang kalikasan kaya itapon na natin yung mga pinagkainan sa dapat nilang tapunan.
O siya, maraming salamat sa oras, Mark! Pogi mo pa rin oh, walang kupas hehe.
Aysus! Nangbobola ka pa rin hanggang ngayon haha! Salamat sa treat, Gio, hanggang sa muli!
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių