Noong unang panahon wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang na maliliit na pulo na kung saan ay may nakatira ritong isang higante. Ang kuweba niya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko kasama ang kanyang tatlong anak na babae, sina Minda, Lus at Bisaya.
Isang araw nagpaalam ang ama sa tatlo niyang anak na siya ay mangangaso.
Opo, ama!
Ako ay lalabas upang mangaso. Huwag kayong lalabas dahil sa panganib sa paligid. Hintayin ninyo akong makauwi.
Habang sina Lus at Bisaya ay abalang naglilinis ng kuweba, himdi nila namalayan na lumabas pala si Minda upang mamasyal sa dagat. Tuwang-tuwang naglaro ng alon sa dagat si Minda at sa kanyang paglalakad ay bigla siyang nilamon ng dambuhalang alon.
Nang marinig nina Lus at Bisaya ang pagsigaw ni Minda, agad silang lumabas ng kuweba upang tulungan ito. Sa kasamaang palad dahil sa malalim ang dagat pati sia ay nakasamang nalunod.
Nang makarating sa kuweba ang higante, lakng gulat niya na walang sumalubong sa kanya. Wala ang tatlo niyang anak sa kuweba.
Saan kaya nagtungo ang talo kong anak? Saan kaya? Lus, Bisaya at Minda!
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių