Mayroon isang bata na ang pangalan ay Francis. Isa siyang bata na maldito na maldito talaga! Palagi siyang nag-uutos sa kaniyang nag-iisang tatay sa bahay at palagi nalang siya nakahiga sa kanyang kama at natutulog. Sa kanyang pag-aaral, hindi rin siya mabuti! Bagsak siya doon, ngunit wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ang maging masaya na walang pakialam sa mundo kung ano man ang mangyari dito.
"Papa! Pabili ng..." ang palagi na sinasabi niya sa kanyang papa. Hindi siya nagtatrabaho para sa sarili niyang mga bagay. Nagagalit siya kapag hindi mabigay ng papa niya ang kanyang gusto, kaya ang galit niya para sa kanyang papa ay naglalaki habang nagtumatanda siya. Ngunit, kahit ganito si France sa kanyang papa, ang kanyang papa ay may pagmamalasakit parin sa kanya. Hindi alam ni Francis kung bakit, pero wala siyang pakialam.
Nagtanda si Francis at nakuha niya ang kanyang mga gusto sa buhay. Naging mayaman siya, kinukuha ang mga bagay na gusto niya, at hindi siya nagtatrabaho na mahirap para makuha ang mga gusto niya. Nagpunta siya sa America at iniwan niya ang kanyang papa sa Pilipinas ng walang paalam. Sa mga oras na naalala ni Francis ang kanyang papa, hindi man siya na nangungulila sa kanya dahil sa kanyang galit na ikinuha sa pagkabata niya.
Naglipas ang mga araw niya sa America, ngunit hindi mawala sa isip ni Francis ang tanong: ano kaya ang nangyari kay papa? Ngayong siya ay mas matanda na, nagsisimulang magsisi siya sa ilang bagay na nagawa niya noong nakarating sa kanya at sa kanyang ama. Hindi lamang niya trinato ng mabuti ang kanyang papa at ginawa parin na papa niya ang lahat upang magkaroon siya ng mabuting buhay at makatrabaho ng mabuti.
Nagkuha si Francis ng isang aeroplano papuntang Pilipina at nagbalik sa kanilang bahay. Ang nakita niya ay nakagulat sa kanya dahil sa gaano kadumi at sira naging ang bahay. Hindi siya makapaniwala sa nakita! Naawa si Francis sa kanyang papa at nagtaka siya kung saan na kaya ang papa niya. Kung naging mas mabait lang si Francis sa kanyang papa, baka maging mabuti pa ang kanyang buhay sa Pilipinas at hindi maging ganito ang tirahan nila.
Nagpasok si Francis sa kanyang dating tirahan, mas lalo naging malungkot sa kanyang nakita. Marami siyang naalala sa nakaraan kung gaano ka mahal ng siya ng papa niya. Nagpunta si Francis sa kwarto ng kanyang papa. Ang nakita niya ay ang kanyang papa na hindi naggagalaw at nakahiga lang sa kama. Napaluhod si Francis sa kanyang nakita at simulang nag-iyak. Hindi niya ikinalain na namatay na ang kanyang papa habang nasa America siya. Kung pwede lang magbalik ang oras, mahalin ni Francis ang kanyang papa ng mabuti para hindi siya mamamatay ng malungkot
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių