Nang malaman ni Matilde na ang kwintas na kanyang nawala ay katumbas lamang ng limang daang prangko, bumigat ang kanyang pakiramdam. Halos sampung taon niyang pinagbayaran ang kwintas na nawala at malalaman niya lamang na ito ay isang imitasyon lamang ng kwintas na kanyang pinagbayaran ng buong buhay niya. Pagka-alis ng kanyang kaibigan na si Forestier, si Matilde ay lumabas at naglakad-lakad upang pagaanin ang kanyang isip at looban, siya lamang ay napahito ng nakakita siya ng puno.
Siya ay napa-upo sa silong ng punong nakita, ang isip ay punong-puno ng pagka-dismasya. Ang kanyang saloobin ay puno ng kasakiman sa kaibigan dahil malipas na sampung taon dun lang na sinabi na ang nawalang kwintas ay imitasyon laman at sa sampung taon na yon siya ay nabaon sa utang. Huminga ng malamin si Matilde at humimig ng isang kanta na nagpapagaan ng kanyang kalooban pag siya ay nangangamba o nalulungkot. Gumaan ang kanyang kalooban ang ngumiti sa sarili.
.
Sa kanyang magiting na pag-ngiti sa sarili, si Matilde ay nangako sa sarili na lahat ng kanyang sinakripisyo ay mababawi at may mapapag-hahantungan rin. Ang sampung taon na kanyang binuhos at pinaghirapan upang makapag-bayad ay hindi mapunta sa wala lamang. Simula din ng araw na yon binago ni Matilde ang takbo ng kanyang buhay kasama ang kanyang asawa, at kanilang ibabalik ang dating buhay. Hindi na niya sasayanging ang mga panahong natitira sa kanyang buhay at ito ay gagamitin niya ng wala ng pag-sisi.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių