Si Adrian ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang mga nakatatanda niyang mga kapatid ay pawang mga abogado at siya lamang ang naging doktor.
Mapagmahal ang pamilya ni Adrian kaya nakapagtapos silang lahat ng pag-aaral. Ngunit dalawang taon matapos maging doktor si Adrian ay pumanaw naman ang kaniyang ina.
Dahil dito ay naiwan sa pangangalaga ng kaniyang ama na mayroon na ring karamdaman. Ang obligasyong alagaan ang kaniyang ama ay hadlang sa mga ambisyon ni Adrian sa buhay. Nais niyang makapag-ibang bansa, makahanap ng mapangangasawa, at mas maging matagumpay sa kaniyang karera katulad ng mga kasamahan niya.
Nakaisip si Adrian ng isang masamang plano. Balak niyang iligaw at iwanan sa gubat ang kaniyang ama para matupad na ang kaniyang nais.
Habang papunta sila ng ama sa gubat, nakita niyang naghuhulog ng piraso ng kahoy ang kaniyang ama. Napansin ito ni Adrian at tinanong ang kaniyang ama. Sinabi nitong alam niya ang plano ng anak. Naghuhulog siya ng mga piraso ng kahoy upang gabay ni Adrian pabalik at nang hindi ito maligaw.
Dahil dito ay natauhan si Adrian sa plano. Hanggang sa huli ay siya pa rin ang iniisip ng kaniyang ama. Nagising si Adrian. Ipinangako niya sa sarili na kailanman ay hindi na siyang maliligaw muli ng mga desisyon sa buhay.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių