Marahil, ang ACCFA ay isa sa mga polisiya na pinagmulan ng pagtaguyod sa maraming kooperatibang pang-agrikultura ngayon, katulad ng SIDC.
Sana ay mapaunlad at mapabuti pa ng kasalukyang administrasyon ang polisiya na ito para sa kapakanan ng ating mga magsasaka. Bagama’t ito’y na-amyendahan at naging ACA o Agricultural Credit Administration ngayon.
Tama ka, Luke. Sana ay maisulong ito ng kasalukuyang pangulo ng ating bansa, lalu’t siya rin ang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura. Kailangang matulungan natin ang mga magsasaka, lalo pa’t sa kanila natin kinukuha ang mga nakahain sa ating hapag-kainan.
Oo nga, Seb. Marami akong natutunan sa leksyon natin kanina sa AP. Tila napakabuti ng imahe na naiwan ni Pangulong Magsaysay sa karamihan ng mga Pilipino noon. Kahit ang mga lolo at lola ko ay puro maganda ang alaala sa kanyang naging administrasyon. Sayang at maaga siyang pumanaw. O paano, kailangan ko ng umuwi. Magliligpit pa ako sa bahay, dahil tiyak pagod na pagod na si Nanay pagdating niya sa bahay mamaya.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių