Ngayon na lamang ako muli nagluto para sa aking mga anak. Dahil alam ko na uuwi silang gutom at pagod kapapasyal sa labas.
Aking nabanggit na ako ay isang asawa, siya ang aking asawa. Isang lalaking irresponsable at iniisip lang ang kaniyang sarili. Minsan pa nga'y pinagbubuhatan niya ako ng kamay. Aking ipinagbili ang mga alahas na aking sinusuot noong dalaga pa ako upang matustusan ang aming pang araw-araw na pamumuhay.
Sanay na ako na sa tuwing darating siya ay maglalabas ito ng galit dahil sa talong natamo niya sa pagsasabong. Kailanman hindi niya kinamusta ang kaniyang mga anak.
Ang aking nilutong pagkain na para sana sa aking mumunting anghel ay nilamon pa nitong walang hiya kong asawa. Dala-dala ang panabong niyang manok muli nanamang magsusugal at babalik kinaumagahan upang maglabas ng sama ng loob at kumain. Ganito na ang aming naging takbo ng buhay sa pang araw-araw.
Ano na lamang ang kakainin ng aking mga mumunting anghel sa kanilang pag-uwi? Nasaan na kaya sila? Anong oras na at di pa nila naiisipan umuwi.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių