Walang tigil sa paghatak ang aninong subsob na palikyad likyad na tumataluntonsa mga pilapil. Baku-bako ang lupang tinatapakan ng mga paang nangangatog sapaghakbang. Mula sa kunot na nuo ay utay-utay na umanod ang ganggabutil na pawis.Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay nabumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya saoras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya. Nag-uumagting ang kanyangkalamnan habang nakikipaghabulan sa papalubog na araw. Napatiimbagang siya sagalit sa takbo ng panahon.
May bahid ng ngiti ang mga salitang binitiwan ng kanyang kuya Lito isang haponnoon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamang yari sa kawayan."Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay."May namuong pigtal ng hilam na luha sa magkabilang pisngi " ng kanyang ama."Sana nga anak, harinawa nga."
Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong angpanganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mga paa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabay hablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding. "Huwag kayong lalabas, ako ang bahala” ang sabing may pag-uutos.Mula sa butas ng uwang ay nakita niya ang papalapit na sandatahang kalalakihan at narinig niyang sabi. "Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas. " Nakita niya ang pananalim ng mata ng kanyang kuya. "Hindi kami makapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mga ninuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan angbangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silangnasa ibaba ay dumaraing. Ang ama ang tinik sa naglalatang niyang dibdib. Alam niyanghumahalakhak niya ay lalong naratay sa sakit bunga ng tinamong kasawian ng kanyangkuya Lito.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig siya ng daing na para bang umuugit sakailaliman ng kanyang puso. Walang pakundangan niyang itinulak ang pinto. Naudlotsiya sa kanyang nakita, ang kahabag-habag niyang ama. Halos panawan na ito ngulirat, nanginginig ang buong katawan at pabagal nang pabagal ang paghinga. Lumapitsiya ng bahagya, kasabay noon ang pagkabuo ng kimpal na luha sa kanyang mga mataat dagling umagos sa magkabilang pisngi. Pinahid iyon ng kamay ng kanyang ama.Ginagap ang kanyang palad, pinisil ng mariin. May pagsusumamo ang papahinangboses, pinipilit na makapagsalita habang patuloy na nanghihina.
Kinabukasan ay di maalis ang pagkakapako ng kanyang paningin sa gilid ngkanilang kubo na kinaroroonan ng lumang araro. Lumapit siya at hinawakan ito,papahigpit ng papahigpit. Nagtatagis ang kanyang mga bagang. Ang nasasaisip niya'ydarating din ang panahong siya ay lalaki at gagamitin ang ararong yaon. Sasapit dinang panahong siya'y magiging isang ama. Pumailanlang sa kanyang balintataw angmga katagang ibinulong sa kanya ng ama hanggang sa huling sandali.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių